Sa wakas!♥️

SHARE KO LANG BIRTH STORY NG AKING BABY BOY? LINCOLN KIEL C. ECO EDD: FEB. 11, 2020 DOB: JAN. 31, 2020 TIME: 1:57pm 3.2kg VIA NSD 38weeks&2days Jan.29 Paguwe ko galing center para magpacheck up sumasakit na puson ko pero di naman yung grabe kaya hinayaan ko lang baka natural lang paguwe ko nag cr ako may nakita akong brown discharge sa panty ko yun na pala yung sign. Jan.30 Paggising ko pag cr ko may dugo na parang sipon na sa panty ko mas lalo nakong kinabahan kaya nagtanong tanong ako kung ano yun dumiretso kame sa mother and child pag i.e saken 2cm nako nagopen na pala cervix ko pinauwe nila ko balik nalang daw ako pag mas maraming dugo na lumabas saken maglakad lakad nadaw ako tagtagin ko nadaw sarili ko. Paguwe namen naglakad lakad nako kahet panay saket na ng puson ko napapahinto kame sa sobrang saket na umaabot ng 1mins siguro yung saket pero tuloy padin sa paglalakad. Jan.31 ng madaling araw Eto na di nako tinigilan sa sobrang saket na halos mangiyak nako pag sinusumpong dinadaan ko nalang sa idlip pero nagigising ako pag sumasaket binilangan ko kada 5mins na yung saket nya pero tiniis ko hanggang tanghali. Hindi ko na talaga sobrang dami nadin ng dugo na lumalabas saken kaya naligo agad ako at dumiretso kame sa hospital pag i.e saken 7cm nako kata inadmit agad nila ko. Sinaksakan ng suero tinurukan ng pampahilab pagdala saken sa labor room mas lalong nagiba yung pakiramdam ko naiihi ako sa sobrang hilab ng tyan ko ire nako ng ire dko na alam gagawin ko hanggang sa pumutok na panubigan ko sige padin ako sa pagire halos 20mins siguro inabot yun hanggang sumigaw nayung doctor na lalabas na kaya nilipat nako sa delivery room pinapaire nila ko sabay ko daw sa paghilab ng tyan ko at sa wakas sa isang irehan lumabas ka agad narinig ko agad yung iyak mo wala nakong ibang pinansin kundi ikaw lang habang nililinisan ka nila pagkalinis sayo nilagay ka nila sa dibdib ko halos mangiyak ako sa sobrang saya kase normal at malusog ka dko ininda yung tahi saken kase sayo lang ako nagfocus. Worth it pala talaga yung lahat ng saket sa paglalabor pag nakita muna yung dahilan bat kinaya mo lahat?? GOODLUCK SA MGA NANAY AT MAGIGING NANAY PALANG❣️

Sa wakas!♥️
28 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ininduce kapa po? Masakit ba? Edd ko feb 10. Kahapon ng bleeding ako pero no pain. Hanggang kinagabihan every 5 mins na yung sakit. Bumalik ako sa ob ko today pero 1 cm pa din sobrang sakit na po naramdaman ko at di na po ako maka tulog

4y ago

oo momsh tinurukan ako pampahilab 7cm nako pagpunta ko ng hospital sobrang hilab na ng tyan ko pagdala saken labor room ayun na nagstart na lalong humilab ire nako ng ire hanggang pumutok panubigan ko.

THANKYOU MGA MOMMIES MAKAKARAOS DIN PO KAYO TIWALA & PRAY LANG LAGI♥️♥️♥️

VIP Member

Congratulations momsh! 😍❤️ Welcome to motherhood! 💞

Haist sna ako din mabilis lng 2weeks nlng inaantay ku eh 😥

congrats momsh sana makaraos na rin kami ni baby ko😍😍

Congratulation po 😘😍

VIP Member

Congratulations, sis 😊❤️

VIP Member

Congratulations, mommy! Pogi ni baby

Anu po ung NSD congrats po

VIP Member

congrats po sana all ❤