Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
BABY BALAKUBAK.
Hi po. Ano po bang magandang gawin sa ulo ng baby ko? Kasi po yung anit niya parang may balakubak po tinatanggal naman po namin by scrubbing ng cotton cloth kapag naliligo siya kaso hindi pa din natatanggal minsan parang mas dumadami pa po at naninigas hirap na po tanggalin. Cetaphil nga po pala gamit namin kay baby, dati lactacyd kaso hindi niya po hiyang. Please help po. Thanks much mga mumshie. God Bless!
PRIVATE PART.
Natural lang po ba na at 38weeks minsan nakakaranas ng paghapdi ng private part na parang may matalim na sumusundot pa minsan na may kasamang parang namamaga siya? Pero nawawala din naman after ilang hours. Thank you po sa mga sasagot.
BABY BOY NAME PLS. SUGGESTION PO.
Hello po. Nakaschedule na po akong ma-CS next week. Going 38weeks na po this coming Sunday kaso mejo hirap pa din akong makapag-isip na name for my baby. Any suggestion na pwedeng isunod o mauna sa name na Nathan. Thank you. By the way, name ng father ng baby ko is Joseph.
SOBRANG WORRIED.
Hi po. 36weeks preggy soon to be mom here. Ganito po ba talaga? May araw na indi masyadong magalaw si baby. Mejo nalalapit na ako sa due at kapag ganitong tahimik si baby, nagwowori talaga ako. Nakakapanibago kasi minsan. Thank you sa mga sasagot.
Dear Baby...
Dear Baby ? Sobrang saya ni Mommy ngayong araw na ito. Maliban sa okay lahat ng laboratory results ko last Dec 13, mas ikinatuwa ko ng makita kita ulit kanina via ultrasound. Naalala mo last Dec 5, sobrang nagwori ako dahil at 32weeks, 1.670gms lang ang bigat mo. Sabi ng OBgyne ni Mommy, sa follow up check up niya ng Dec 16, which is today, dapat bumigat ka man lang ng atleast 1.800gms para makita ang improvement sayo dahil kung hindi, baka kailanganin na iluwal ka ng mas maaga at palakihin ka nalang gamit ang incubator para masigurado lang na mai-save ka. Pero sa gulat ko kanina, nung chineck ka, maliban sa normal ang amniotic fluid ni Mommy, normal na heartbeat at hindi nakapalupot sayo ang umbilical cord mo, ang inaasahan naming atleast 1.800gms na bigat mo sana, 2.060gms na. Normal na lahat. ❤ TUNAY NA NAPAKABUTI NG DIYOS SATIN baby. Love niya ako pero mas love ka niya talaga. ? Konting tiis pa. Kapit pa please. 34weeks na tayo. Yehey! See you on 12th of January, baby. Love, Mommy ❤
KATAMARAN. ?
Mga mommy, 31weeks here. Napansin ko lang po habang nalalapit ako sa due date, parang madalas sinusumpong ako ng katamaran. Laging parang inaantok. Kaya siguro si baby, nahahawa sa ganitong nararamdaman ko dahil bihira ko siyang maramdaman na magalaw everyday. May nakakaranas din po ba ng ganitong feeling? Salamat po. ?
MOVEMENT at 31weeks.
Mga mumshie, normal po ba na may araw talagang hindi masyadong magalaw si baby? Like kapag umaga po magalaw naman tas maghapon na ang tahimik niya then gabi po dun ulit magalaw. Nakakawori minsan, lalo na nalalapit nko sa due. 1st baby ko po kasi. Thank you po sa mga sasagot. ?
Can't Wait! ??
29weeks and 1day na po kami. Super excited na ako makita si baby! After 10yrs of waiting, nabiyayaan din ako. God is good talaga! ❤
BUBBLES SA IHI.
Hello po. Normal lang po ba na may parang bubbles na maliliit ang ihi na parang laway? Konti lang naman po. Nitong 28weeks ko lang naranasan. Salamat po sa mga sasagot! ??
BAKIT GANUN? GUTUMIN AKO LATELY.
Hello po. 28weeks today. Normal lang po ba na parang lagi akong gutom? Mga nitong nakaraang linggo lang nagstart. Nawala na po selan ko sa pagkain at indi na din ako madalas nagdududuwal o nagsusuka. Ang concern ko lang po, diabetic ako ngayon habang nagbubuntis at nag-iinject ako ng insulin. Mejo tumataas sugar ko dahil lumalakas na akong kumain. Mejo hirap pigilan. Likot ni baby kapag gutom din ako. Thank you po sa mga sasagot!