Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mom of 2 Little Boys
Validate feeling of a mom?
Mga mommy may baby boy ako na 2 months old today at CS Delivery ako sa kanya nung July this year. Kinuha namin ng asawa ko ang mother in law ko para umalalay sa amin sa bahay at pag aalaga ng sanggol at least 3 months hanggang October. May toddler boy din ako na 2 years old. Ang mother in law ko ay nagrequest sa amin ng asawa kong lalake na-alagaan si baby 2 months old sa San Andres Bukid (sa bahay nila) after niya manilbihan sa amin sa Tondo. Ang sinasabi ko palagi sa asawa ko, since wala naman akong mabigat na trabaho, housewife lang, nagma-manage lang din ng business namin, kaya kong alagaan yung dalawa kong anak. Mapagmahal ang asawa kong lalake, mabait sa asawa at magulang. Good provider. Maka-Diyos. Ang asawa kong lalake ay pumapayag na ipa-alaga sa nanay niya ang baby namin na 2 months old, ako lang daw ang may ayaw pumayag. Since hindi naman daw dumedede ang baby sa akin (bottle feeding). Failure to thrive ako sa mga padede moms dahil mahina ang breastmilk ko ngayon kung kaya't nag Enfamil A+ na lang si baby. May "Takot" akong nararamdaman dahil malayo ang Tondo sa San Andres at hindi ko alam yung araw2x na magiging kaganapan sa baby. Alam kong aalagaan naman ng maayos yung anak ko at napalaki naman ng maayos yung asawa ko pero nandoon parin yung takot eh. Minsan may naiisip ako.. How can they protect and feed my baby? What style of parenting can they give? Lalo na yung mother in law ko sa amin lang ng asawa ko umaasa ng kanilang monthly housing, meralco, tubig at food allowances nila sa San Andres. Majority ang pamilya ko ang tumutulong sa mga anak ko sa pang gastos sa hospitals, medicines at vaccines ng mga bata pati pang-gatas. Validated po ba feelings ko mga mommy? Kung kayo po ang nasa kalagayan ko, ano pong masasabi ninyo. Any suggestions po.
Food intake before CS Operation
Any suggestion of food mga cs mommies kung ano pong pagkain ninyo before kayo mag undergo ng cs operation at para maka poop at din agad after an operation.
Previous CS and scheduled CS again for the 2nd time. Kamusta po ang lagay ng mga mommy na kagaya ko?
Gusto ko lang po malaman kung nagkakaroon kayo ng labor signs during 35 weeks like pananakit ng balakang, minsan masakit na ang kiffy, naninigas ang tiyan pero scheduled CS sa OB?
Active si baby sa tiyan kapag madaling araw. Kamusta po ang tulog ninyo mga mommy?
Hello Mga Momsh. Any tips kung paano makatulog ng mahimbing habang sumisipa sipa si baby sa tyan. Madalas sa madaling araw gising siya at nararamdaman ko na siya namang dahilan kung bakit ako nagigising.
Panonood sa gadgets nakaka autism ba ng isang bata?
Hi Mga Momsh. Sabi ng parent ko nakaka autism daw ang panonood ng gadgets ng baby like 6 m/old ng everyday. Totoo po ba? Normal naman po ang baby ko nung pinanganak ko at wala pong any sign of autism pero alarming kasi sakin yung sinabi ng parent ko. The reason why I introduce my baby sa panonood ng cocomelon para lumaki siyang marunong mag english. May pamangkin kasi yung asawa ko na lumaki sa panonood sa cocomelon at ngayon magaling na yung bata mag english pero hnd naman siya naging autism. Anyway may limit naman din yung screentime namin ni baby, 30 mins lng.
Hello mga Momsh! Ilang oras bago mapanis ang formula milk? May nagsasabi 4hrs. at meron namang 6hrs.
Formula Milk
Cold Water
Ask lang po sa mga CS Moms. Hanggang kailan kayo pinagbawalan uminom ng cold water ng inyong OB after giving birth?May 1 month recovery na ako from CS pero hindi ko alam kung hanggang kailan restrictions ng cold water at iba pang pagkain ng malalamig.
First baby, boy gender at 40 weeks and day 1. Kamusta po kayo mga mommies?
Hello mga mommies! Sino po dito ang hindi pa nanganganak katulad ko nasa 40 week and day 1 na? Hindi ba nakakasama kay baby na hindi parin siya lumalabas sa due date? I want to share lang po na Jul.10 ang due date namin. I have signs and symptoms ng latent labor like pananakit ng puson, pagtigas ng tyan, at pelvic crouch. Last check-up namin Jul.6 (39 weeks and day 3), 2cm palang ako. Regular exercise naman kami sa umaga at hapon walking, squatting at akyat baba sa hagdanan. Taking Primrose Oil at Pineapple Juice. Minsan may pananakit nako ng balakang pero hindi nagtutuloy at tolerable pa ang pain. Hinihintay ko kasi yung active labor. I want to gain confidence mga mommies kasi aim ko maging normal delivery kami ni baby, nakakastress kasi yung mga taong nagsasabi na for cs na kami dahil lagpas na kami sa due date kahapon at baka daw hindi lumabas ang baby ko kasi hanggang sakit-sakit lang at hindi nagtutuloy yung hilab.
Is this a sign of labor?
Hello mga momshies! I'm currently 38 weeks and 4 days. Sa madaling araw hindi na ako makatulog at sunod-sunod na. Mahirap bumangon at humiga, at hirap maglakad. Kahapon lang nakaramdam ako ng pananakit ng puson pero hindi naman umaabot sa balakang ko. Medyo may katagalan din mga 15 to 20 mins. pero nung nagpahinga ako, nawala naman. Minsan nakakaranas din ako ng paninigas ng tyan at sasabayan ni baby ng paglilikot. Is this a sign of labor? Wala pa namang discharge na lumalabas sa akin' monitoring lang ang ginagawa ko & diet sa food as per OB's advice. Nakakaranas po ba kayo ng ganito kagaya ng sa akin during your 38 weeks? Today ako naka-appointment kay OB for 1st I.E.
9th Month - Paninigas ng tiyan at paglilikot ni baby.
Hi po mga mommies. Ask lang po kung normal bang naninigas ang tyan ko at panay sipa pa si baby sa loob at nagsasabay pa. I'm currently 36 weeks & 5 days but my EDD July 10 pa. Maraming salamat po.