





Hi mommies! Sino po dito naghahanap milk? Meron po ako available stash. 10php per oz po. Rosario Cavite po ako nagbabawas po kasi ako for freezer space. Pwede rin po magbigay add milk if marsmi po ang bbilhin. Nakapag donate na po ako sa ibang mommies, and since konti nalang po natira, naisip ko po na baka pwede akong magprofit pang bili needs baby ko 3mos pp po 😅 Nagtatake po ako calciumade,immunpro, fersulfate,dha. #BreastMilkAlwaysBestForBaby #breastmilk
Read more


Required po ba na iregister agad sa philhealth yung newborn?
Baka po may makasagot, may deadline o timeframe po ba sa pagddeclare ng dependent na newborn sa philhealth? 3rd week ng July ako nanganak, C-Section, tapos discharged na ako after 3 days. pinaiwan pa sa NICU si baby for 4 more days dahil need nya mag antibiotic, tapos bumalik pa kami ng 3 additional days sa hospital para ituloy yung injection ni baby. 3 weeks after, sinabihan kami na bumalik ulit kasi kailangan daw ulitin yung newborn screening nya. Point is, nakailang balik kami sa hospital. Last week lang, Wednesday, may nagtext at tumatawag sakin from hospital, iregister ko daw as dependent ko sa Philhealth si baby "today", tapos sinagot ko na hindi kakayanin that day kasi hindi naman umiikot yung mundo ko sa kanila, syempre hindi naman pwedeng agad agad aalis ako ng bahay. Tapos sinabi ko bakit ako minanadali iregister si baby as dependent, eh nacover naman na kaming dalawa ng philhealth ko, bilang active member naman ako at up to date naman payments. Sabi nya sakin hindi daw sila makakasingil sa philhealth pag hindi ko dineclare as dependent yung baby. Bukas pa ko makakapunta sa Philhealth para asikasuhin. Kanina tinawagan ako nung hospital ng 13 TIMES sunod sunod. Hindi ko sinagot, pero sa totoo lang para sakin harassment na yun. Pangalawang baby ko na to. Sa unang baby ko hindi naman ako nagkaroon ng ganitong problema. #AskingAsAMom #askmommies
Read more