First baby, boy gender at 40 weeks and day 1. Kamusta po kayo mga mommies?

Hello mga mommies! Sino po dito ang hindi pa nanganganak katulad ko nasa 40 week and day 1 na? Hindi ba nakakasama kay baby na hindi parin siya lumalabas sa due date? I want to share lang po na Jul.10 ang due date namin. I have signs and symptoms ng latent labor like pananakit ng puson, pagtigas ng tyan, at pelvic crouch. Last check-up namin Jul.6 (39 weeks and day 3), 2cm palang ako. Regular exercise naman kami sa umaga at hapon walking, squatting at akyat baba sa hagdanan. Taking Primrose Oil at Pineapple Juice. Minsan may pananakit nako ng balakang pero hindi nagtutuloy at tolerable pa ang pain. Hinihintay ko kasi yung active labor. I want to gain confidence mga mommies kasi aim ko maging normal delivery kami ni baby, nakakastress kasi yung mga taong nagsasabi na for cs na kami dahil lagpas na kami sa due date kahapon at baka daw hindi lumabas ang baby ko kasi hanggang sakit-sakit lang at hindi nagtutuloy yung hilab.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako mi July 13 EDD ko. Bale ika 40 weeks ko yun. 2cm pa lng ako and no sign of labor din. Babalik ako sa OB ko ngayon pra magpa ultrasound pra sure lng na ok panubigan ko at si baby. Ang sabi pag di pa rin ako nakapanganak i-aadmit na ko and nakasched na for induction of labor. Praying pa rin po na sana makapaglabor at makaraos na. God bless po satin.

Magbasa pa
2y ago

Thank you, mi. Sayo rin. 🙏 Kanina nagpa ultrasound ako ok naman ang result. Ok ang amniotic fluid ko. Sabi ng OB ko mi obserbahan ko lng sarili ko pero if di pa talaga ako naglabor, need ko nang magpa admit on July 13 para macheck nya ko and baka iinduce na. Sa tuwing naiisip kong makikita ko na si baby parang nawawala ang takot at kaba ko. Try mo magpa 2nd opinion mi. Ako kanina after ultrasound 40weeks and 2days na pala ako today mali yung una kong calculation. Pero sabi ni doc okay pa naman. Hanggang 41 weeks naman po okay bsta wla lng complications. And kung wla nman kayong problema parang last option ang CS mi. Praying for us and our little ones. 🙏

By the way, ano pala sabi ng OB mo? Ano advice nya mi?

2y ago

Need ko daw magpa-BPS para malaman yung condition ni baby sa loob. Nakuha na namin yung result ng BPS at nakapag-pa check up na kami kanina still ganun parin yung sukat ng cm ko at mataas daw si baby. Low Normal Amniotic Fluid Index ang binantayan sa akin, mag pa-BPS daw ako ulit after 4 days para malaman ulit kung bumababa ung amniotic fluid ko or hindi, pag bumaba daw considered for cs n daw ako at hnd na pwede ma-normal. Hindi ko alam kung magpapa 2nd opinion pa ako sa lying in, normal naman kasi lahat. Ang mahal p naman ng package sa hosp. cs 120K. 😔