Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Dreaming of becoming a parent
Folic acid?
Ano pong magandang itake kapag trying to conceive? At maganda at dapat gawin?
Disappointed?
2 months akong delayed. Akala ko buntis na ko, ang daming sintomas ng pagbubuntis nararamdaman ko. Nagpacheck up ako kanina at negative yung result. Diko alam kung iinumin ko ba yung nireseta sakin ng ob na pamparegla e. Naniniwala kasi akong buntis ako pero negative sa ultrasound.
Pamparegla.
Kakagaling ko lang sa pagpapacheck up. Inultrasound ako, wala silang nakitang baby. Nagpt rin ako negative ulit. Mahigit 2 months na kong delay. Wala naman sinabing iba ang ob kundi baka daw hormonal imbalance lang. Niresetahan niya ko ng pamparegla. Okay lang ba na di muna uminom nun? Nadisappoint kasi ako.
Braces.
Pede po ba magpalagay ng brace ang buntis?
Lihi
Ano pong pagkain pinaglihian or pinaglilihian niyo?
How much
Magkano po patransv ultrasound?
TTC
Meron po ba dito na nagpacheck up then dun din nila nalaman na buntis sila. Kasi hindi sila nagpt or nagpt pero negative ang result? Ano pong test ang magandang subukan or sabihin sa ob kapag nagclaclaim ka na parang buntis? Help naman po at magpapacheck up po ako bukas. 2 months delayed here and negative pt and feeling buntis. Thank you po
Goodluck
Sino po dito malapit na ang due? Goodluck po sa inyong lahat and Godbless☺️
Curious
Meron po ba dito na negative sa pt then pregnant po pala? Thank you po lalo na po sa sasagot.
Preggy?
Hello po. Tanong ko lang po buntis kaya po ako? Kasi 2 months na kong di nagkakaroon e. April 20-24 ang last mens ko then now june 27 wala pa din. Ilang beses na ko ng pt and I used first urine in the morning every try ko then negative po lahat. Ang huling try ko is kanina, medyo maaga kasi wiwing wiwi na ko e tas tinry ko na din. Pero lahat negative. Sa loob ng 2 months na yan may naramdaman akong symptoms ng pagbubuntis. Pero yung iba nawala na. Ilang araw at maya't maya ako nasakit ang ulo pero light lang siya at naikot minsan ang paningin ko. Then madalas na ko nagpabalik balik sa CR kasi ihing ihi ako. Yung tipong kakaihi ko lang ng marami tas maiihi na naman ako ng madami. Like 6 and above times akong nagpabalik balik sa Cr. Mahilig din akong makaramdam ng sakit sa puson, kanan at kaliwa at minsan sa gitna. Mahilig din matulog, ang bigat kasi ng pakiramdam ko although hindi nagbabago timbang ko. I felt back ache, bloated at gutom din. Tapos kaninang mga 4 am nagising ako kasi may naramdaman ako sa left na puson ko na gumagalaw or I should say pumipitik sa loob. Regular din po yung menstruation ko, ngayon lang nadelay ng gantong katagal. Posible kaya pong buntis ako even negative yung pt? Help naman po.