Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
First time mom
Pagtatae ni LO (11 months old)
Hello po, gusto ko lang po malaman sana if normal po ang gantong kulay and texture ng poop ni LO? Napansin po kasi naming nagtatae siya ang yung poop niya is light green. Breastfeed pa rin si baby hanggang ngayon. Nagsosolid food siya pero di madalas, since ayaw niya pa talaga kumain. Last na kinain niya is lugaw. Normal po ba 'to? Para kasing may nakita kaming onting blood, pero di namin sure if blood talaga siya.
Vitamins ni baby
Ano po ang pinapainom niyong vitamins kay baby? Tiki-tiki, celine, o propan? Seven months na po kasi siya, sabi pwede na raw mag vitamins. Salamat po.
cream apra sa rashes
Hello po mommies, ask ko lang po if anong gamit niyong cream or ointment para po sa rashes ng baby niyo sa pwet and sa leeg. Thank you po.
Timbang ni baby
Hello po mommies, tama lang po ba na ang timbang ni baby is 5.7 kg ngayong 4 1/2 months po siya? Nagwoworry po kasi ako na baka kulang siya sa timbang. Pure breastfeed po ako kay baby. Salamat po sa sasagot.
Mittens ni baby
Hello mommies, ask ko lang po ilang buwan bago itigil yung paglalagay kay baby yung mittens niya? pati po yung socks niya? sabi kasi nung kapitbahay namin na may baby rin, 2 months pwede na daw wag lagyan, sabi naman nung mother in law ko, lagyan ko daw po muna. Thank you sa sasagot.
Namumulang leeg ni baby
Hello mommies, ask ko lang po ano pwedeng gawin sa leeg ng baby ko. Namumula po kasi siya, nililinis naman po namin yung leeg niya since meron po siya nyang puti puti. Normal po ba yan? Salamat po sa sasagot.
Sumasakit na likod
Hello po mommies, ask ko lang po if normal po ba na sumasakit po yung likod ko to the point na minsan nahihirapan na akong huminga? Pure breastfeed po ako kay baby and normal delivery naman po ako.
Gamot sa lagnat
Hello po mommies, ask ko lang po anong gamot po ang pwede para sa lagnat ni baby? 1 month and 3 weeks na po siya. May ubo at sipon din po siya. Yung sipon niya dahil yun sa lungad niya. Ano po kaya pwedeng gamot? Thank you po.
Lagnat ng nanay
Ask ko lang po if mahahawa po ba si baby kapag may lagnat si mommy tapos breastfeed siya? Lalagnatin din po ba si baby?
Pagpupu ni baby
Araw-araw po ba na dapat magpupu si baby? medyo nag-aalala po kasi ako sa baby ko kasi di siya nagpupu ngayong araw, okay lang po ba yun or need ko na idala sa doktor? Salamat po sa sasagot.