PREGNANCY CRAVINGS

Nakaranas ba kayo ng paglilihi, mga mommy? Noong buntis ako kay LO ko, tinangke ko talaga ang init ng alas-dos na araw at ang pababang kalsada(since bundok yung lugar namin kahit city) para lang makabili ng isang pirasong banana cue. Gustung-gusto ko rin noon ng hot choco ng Jollibee na tuwing madaling-araw at umaga lang naman pwedeng order-in. Pero pinakamalala ko talagang naging craving ay Chicken Biryani. Masamang-masama talaga ang loob ko nang hindi ko iyon makain pero hindi ko pinahalata. Imbes kasi na biryani ang order-in ay pizza ang in-order nila. Masama na ang loob ko noon pero hindi ako kumibo. Sa akin pa pinabayaran yung pizza. Hindi ko talaga ginalaw yung pizza na yun dahil biryani ang gusto ko. The next day, pagdilat ng mga mata ko ay biryani agad ang unang pumasok sa isip ko. At doon na ako nagsimulang makaramdam ng sobrang pananakit ng tiyan. As in napakasakit akala ko nagle-labor na ako, pero nag-diarrhea lang ako noon. Dumi ako nang dumi at lahat ng kinain ko ay idinumi ko lang din. Hanggang sa isang kaibigan ang nagsabi na dapat kong makain yung chicken biryani na kini-crave ko para matigil ang sakit ng tiyan ko. At hayun nga. Nang mai-deliver ang chicken biryani ay maligayang-maligaya ako na teary-eyed pa. Pagkakain ay parang nagdahilan lang ako. Nawala ang sakit ng tiyan at tumigil ang pagdudumi. Grabe yung craving na yun. Napakalala. #PregnancyCravings

undefined profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply