Jennelyn Riel Casaul profile icon
SilverSilver

Jennelyn Riel Casaul, Philippines

VIP MemberContributor

About Jennelyn Riel Casaul

Excited to become a mum

My Orders
Posts(5)
Replies(49)
Articles(0)

Low In Potassium Case

Just Sharing My Experience baka may matutunan din kayo mga mommies. Naconfine ako sa East Ave Medical Center From Nov 14-20,2020 dahil sa pagbaba ng potassium ko at 5 months pregnant na ako. Madalas ako nakakaexperience ng muscle pain- na iniisip ko dahil nga sa pumapasok pa din ako - at nagcocommute-may hinala kami na baka low potassium dahil nangyari na din un sa kapatid ko, Kaya palagi ako kumakain ng saging ba saba. ( Pero dapat di iluto) But suddenly nakaramdam ako ng one week na symtoms From Nov 9-13 na Monday- parang pagod, iniisip ko napagod lang ako sa akyat baba ng hagdan. Tuesday- pumasok pa ako ng office pero parang nanghihina na ang mga braso ko at ngalay, I just thought na dahil sa pagsakay ng motor. Wednesday- parang naparalyze ang kaliwang kamay ko na di ko na maigalaw ang hinlalaki ko Thursday- nanghihina ang braso at paa ko na parang manhid- I just thought dahil baka puyat dahil sa bagyo. Friday- pumasok pa ako sa office pero nanginginig na ang dalawa kong braso hanggang sa makauwi- d na ko makatayo ng walang alalay dahil nanginginig at nanghihina na ang mga binti at braso ko. Pinilit ko magbyahe at nagpasundo sa asawa ko dahil di na ko makatayo at parang tutumba - natatakot ako baka matumba nga ako at duguin. Saturday - di na ako makabangon at makatayo magisa- balugtot na ang mga binti at sobrang nanghihina na ako- kaya sabi ng nanay at kapatid ko- bumaba ang potassium ko at need na namin magpunta sa emergency. Dahil sa di na ko makatayo- inalalayan ako ng bayaw ko pasakay ng taxi- Una nagpunta kami sa QC General Hospital - nakawheel Chair na at si Nanay nalang ang kasama ko. Naghintay ng OB pero sinabi na di rin ako maadmit dahil puno na sila. Gusto ni nanay na pumunta kmi sa Fabella Hospital dahil malaking hospital un para sa mga buntis pero I am thinking na puno din dun dahil sa Covid. So nagpunta kami sa Malapit- Nova District Hospital. Sa District tinest ang dugo ko at may findings na nasa 1.9 lang ang potassium ko at ang normal ay nasa 3.5 to 5. Sinabi na dapat maconfine ako- lalo na at buntis ako. Pero di nila ako pwede tanggapin dahil puno din sila. Binigyan nila kami ng referral at sinagguest na sa East Ave Medical Center. Sobrang nastress din ako dahil dalawa lang kmi ng nanay ko wala ang asawa ko dahil pumasok sa trabaho sa bulacan. Tapus need ako buhatin at alalayan buti nalang mababait ung mga nakakakita samin at napapakiusapan na alalayan ako. Yung taxi driver na naghatid samin sa East Ave- ay Christian at pinaalala samin na manalig lang sa Panginoon at pagsubok lang ang nararanasan namin. Saka binigyan nya din kami ng discount - ung iba pataas ang bigay sa kanya pababa. Pagdating sa East Ave. - ayaw din kami tanggapin dahil puno din sila- sarado sila at limited din ang pagtanggap ng pasyente at baka isama din ako sa Covid Ward. Nakiusap lang ang nanay ko at tinakot na isusumbong sila pag may nangyari skin. Kinausap din ako ng OB na puno sila. Pero sabi ko kahit lagyan nalang muna ako ng dextrose. Mababait din ung ibang pasyente dahil binuhat ako. Bigla ako naiyak dahil iniisip ko kung ayos lang ba ang baby ko habang ina IE ako. Saturday ng gabi hangang madaling araw nasa emergency lang ako at nakadextrose. Di ako makatulog sa sobrang kirut ng potassium na gamot. Yung asawa ko dumating na din naman at kasama na namin ni nanay - nagbantay at kasama sa mga labaratory. Sunday ng umaga inakyat na ako sa 3rd floor sa room ng mga nanganganak. Sobrang nastress ako dahil ramdam ko ang pain ng mga nanganganak, kung paanu sila pinagsasabihan at pinapagalitan ng mga OB at tinuturuan ng tamang pagire. Remarks - * palagi kang I- IE para sukatin kung ilang cm na. * ang pagire ay hihinga ng malalim na parang maglalabas ng tae bibilang ng hangang 10. At bwebwelo ulit. ( di dapat galing sa lalamunan ang pwersa) * mahalaga ang ultra sound at labaratory para may idea ang mga OB * kapag risky ang pagbubuntis - dapat sa hospital na nagpapacheck up - para siguradong tatanggapin dahil pag sa lying in at center - kapag mataas ang BP at iba pang complikasyon - irerefer din sa hospital. * dapat mamonitor ang heart beat ng baby. * OB ang magsasabi kung kaya ng normal at need icessarian depende sa heart beat ng baby at complikasyon mo. * Dapat sumunod sa sinasabi ng OB dahil tinutulungan ka nila mailabas ang baby. Insight- iba iba ang kaso ng panganganak - mahalaga kahit gaanu kasakit at kahirap mailabas mo ang baby ng buhay- may iba dun na namamatayan din ng baby - mahalaga ang pagtangap at kaligtasan mo bilang ina - marahil ung iba- inallow ni Lord para sa mas makakabuti. - maaring may pagkukulang din. Pero may matutunan. * Sa delivery room - di pa naman ako manganganak pero nandun ako. Nakakastress man pero at least nagkaroon ako ng idea at may natutunan. * Dami ko nasaksihan at narinig na ibat ibang kwento- * Di din ako masyadong nakatulog dahil sa naririnig kong monitoring ng heart beat ng baby - mga ingay ng mga hirap nila sa panganganak ( saludo ako sa mga mothers) at ingay ng mga OB na pinagsasabihan ang mga nanganganak. * Monday ng gabi nilipat na ako sa room ng mga nakapanganak na- mas maganda na dun dahil iyak nalang ng bata ang maririnig ko. * Marami din ako nakausap na mga mommies. * Iba iba ang kwento nila - mayroong may edad na, teenager palang, operada, may katabaan,marami ng naging anak, namatayan ng baby at iba pa. * tumagal ako ng halos 4 na araw dun. Ibat ibang batch ang nakasama ko. Kasi ako lang ang nagsstay - samantalang sila nililipat na sa Ward. Medication na ginawa sakin. - Nurses and Doctor. * Binigyan ako ng cycle of potassium - na nakalagay sa dextrose. 2 line ( dalawang kamay) pero pinalitan - ung kanan kong kamay hiniwaan para malagay sa mas malaking ugat ko ang dextrose para di ko maramdaman ang kirut. * pinainum din ako ng Klite Potassium tablet * I was also diagnosed with UTI - kaya nagtatake din ako ng anti biotic * By Wed nakatayo at nakalakad na ako almost 3 days lang. Naging maganda ang response ng katawan ko sa gamot. * Every 4- 6 hours kinukuhaan ako ng dugo para imonitor ang potassium ko - kaya ang dami kong tusok ng karayom. * Pinaultrasound din ang baby ko para makita ang lagay nya ( thanks God di sya affected) * palagi din chicheck ang heart beat ni baby - kaya sure ako na ayos ang baby ko. * Binigyan din ako ng prenatal vitamins. * May need din na lab test like urine at blood na outside sa hospital. * Bumalik naman na sa normal ang potassium ko - ready for discharge na by Wed pero may mga labaratory na need pa ipasa at nagkaproblema sa philhealth ko kaya Friday na ako nadischarge. * Note sa philhealth- nagpaadmit ako na gamit ang surname ko sa pagkadalaga- pero nung inerterview ang asawa ko, sinabi na kasal kami at may marriage contract kami- kaya pinalitan pa record ko sa hospital , nagpachange status sa Philhealth at at nagpareprint pa sa Philhealth - sponsonsorship Certificate ( need cert of indegency for Philhealth under govt.) * Napakahaba din ng nga pila kaya need ng tyaga at 2 bantay. *Nalate din ng bigay sa medical abstract after lunch na. Kaya di na nahabol sa pila. Thursday ( pinalitan lahat ng record) * Friday after lunch Discharge na. * Mababait ang Doctor na nakaassign sakin - at sa panganganak ko dun na din daw ako.. Kasi nandun na ang record ko. Mas kampante kasi maraming OB at doctor. * Pati ang mga bantay - sa umaga sobrang maalaga at hands on - lalo na si Ms Kim na pinakamasipag- Pero sa gabi - wala na masyadong bantay - kaya tulong tulong nalang. * Kapag nasa taas ka, sobrang higpit - pinapatawag lang ang mga bantay - bawal cellphone at pagkain ,limited din sa gamit. * Kapag manganganak na ihanda na ang gamit - adult diaper, wipes, set ng damit ni baby, water mo sa loob. Binder sa cessarian. * Ang normal delivery - after 6-8 hours pa bago makakain or depende sa sasabihin ng doctor * Kapag Cessarian - after 24 hours pa pwede kumain - bawal din malikot baka sumuka. * Ayan - sobrang salamat sa Panginoon - gumaling ako kaagad. Actually after 4 days lang bumalik na sa normal ang potassium ko. * Zero balance ang bill namin sa hospital - sagot ng Philhealth * Dami ko natutunan. * Mabait ang mga doctor at nurses na nakasama ko. * Dami ko nakakwentuhan. * Napakasipag at napakatyaga ng nanay at asawa ko. * Hirap man sila sa pagaasikaso at paghihintay ng tawag sa kanila- walang tulog na matinu at Kain na matinu. * Natapus na din.- Nakauwi na din. * Mga mommies kain lagi ng saging at mga pagkain na rich in potassium * Maging maalaga sa katawan- at maging masipag sa pagpapacheck up. * Ihanda ang sarili sa panganganak at pagiging Ina.

Read more
 profile icon
Write a reply