Hermie Palmejar profile icon
SilverSilver

Hermie Palmejar, Philippines

VIP Member

About Hermie Palmejar

Hustling momma since 2014. ❤

My Orders
Posts(6)
Replies(48)
Articles(0)

I had a panic attack.

My face 2 days after my "worst" panic attack and I am grateful that God is always faithful. Akala ko mamamatay na ko. 😅 Noon, tamang panginginig lang ng kamay, ng katawan. Nakukuha ng hilamos at hingang malalim. But that Friday night was different from my previous attacks. Para akong binangungot ng gising. Namanhid ang buong katawan ko, my jaw clenched and I cannot feel myself anymore. I thought it was the end. Thank you Lord for my mother-in-law and sisters-in-law for being there. Baka kung ano na nangyari sakin. If you will ask my family, "SINO BA SI HERMIE?" Sasabihin nila palaban, hindi natatakot i-express ang sarili, masyadong matapang, very open sa nararamdaman at hindi nagtatanim ng sama ng loob. Rebelde, palasagot, makatwiran and all. But that was Hermie 7 years ago. So, who am I now? Honestly, I really don't know. The Hermie now overthinks A LOT, do not defend herself, not as expressive as before. In short, hindi ko na kilala ang sarili ko. I became overly emotional over things na hindi naman dapat bigyan ng halaga. I became sensitive in a bad way. Nasan na yung Hermie 7 years ago? Yung Hermie na kaya sabihin ng derecho na PAGOD NA KO. GALIT AKO. MASAYA AKO. MALUNGKOT AKO. AYOKO NA. Nasan ka na? Hahaha! Anyare na sayo? Miss na kita. 🥲 And then a friend asked me, "ayaw mo ba magpagamot?" AYOKO. Hahaha. Baka may biglang mag react. Gawing katatawanan na naman ang kalagayan ko sabihan ako na gumagawa ako ng kwento. Sana nga ganun na lang. Na gumagawa lang ako ng kwento. Kasi ang hirap hirap na. Yung wala namang reason para maranasan mo 'to pero dahil ang daming nakaka trigger sa kalagayan mo, susumpungin ka. Nakakasawa din ha. But I am beyond blessed that I am able to surpass EVERYTHING. By God's grace I know lahat ito lilipas din. Lahat ito makakaya. Lahat ito, mawawala at babalik din sa normal ang mga bagay. My faith is still bigger than my fear. I'll be okay soon. For now, I just need to accept that I am not okay, and it's okay not to be okay. ❤ #FightAnxiety #MentalHealthMatters #StopMentalHealthShaming #HopeIsWaving

Read more
I had a panic attack.
undefined profile icon
Write a reply