Pagsakit ng singit at inner thigh. Hirap lumakad, bumangon at tumayo mula pagkaupo.

Hi mommies! Currently 37weeks, first time mom po. May mga nakaranas po ba sa inyo ng ganitong symptoms during kabuwanan? Ano po ginawa niyo to ease the pain? Hirap kasi sobra lumakad at tumayo. Ni hindi ako makapunta sa cr kasi sobra sakit. Kailangan alalayan pa ako ng asawa ko 🥺 pano po kaya umokay to? Para sana pag nanganak ako, or nagpunta hospital di ako hirap lumakad

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ay mii,share ko lang ha. Yung 1st baby at 2nd baby ko is never ako naka experience nyan. Pero itong 3rd baby ko,kakapanganak ko lang last Sept25,so here's what happen. ‼️ September 22 nagising ako na hindi ako as in makabangon, feeling ko naputol yung balakang ko. Grabe ang saket to the extent na binubuhat ako ni mister para lang maka-CR. This was around 38W3D. (Btw, September 11 palang 3cm na ako which was 36W6D palang ako that time and umabot akong 38W na wala syang progress) ‼️ September 23,same case sobrang sakit ng katawan at balakang ko,pero never ko naisip na naglalabor ako dahil hindi sumasakit tyan ko,and ang sakit ng balakang ko is yung feeling na napuputol talaga,parang nabalian ng buto. ‼️ September 24,ng gabi, Same case ,pero nagpunta ako ng CR,nagpoopoo ako,since 3rd baby ko na nga ito, Sabi ko sa sarili ko hababg nag poopoo "ay halla,malapit na yata ako,gumuguhit na sa puson ko yung sakit" (pero no intense pain parin kumpara sa unang 2 kong anak).. Edi lumabas na akong CR mii, habang naglalakad pabalik sa kwarto ko,tumutulo na yung tubig. Dire-diretso na yung tubig. So napasugod kami agad ng hospital and pagdating don( no labor pain parin ako) 8cm na ako pero sobrang taas pa ni baby . ‼️Inabot ng September 25 ng madaling araw,5am, bago ako nanganak kase na stuck ako sa 8cm magdamag mii,no active labor kasee ako,ang ending ininduce pa ako kahit 8cm na ako. Yun pala cord coil si baby. ‼️‼️pasensya na sa long story.. haha salamat sa pagbasa.

Magbasa pa
7mo ago

Thank you sa pagshare ng experience mo mii! Papacheckup na ko bukas para lang maka-sure din. Umookay okay naman na yung pain sa singit ko, halos buhatin din ako ni mister kahapon para lang maka-CR. Pinahinga ko lang at warm compress as advised by my OB. Mukhang umeeffect naman na siya kahit papano. Congrats on your 3rd baby momsh! Ang mahalaga nailabas mo pa din ng ligtas si baby sa kabila ng lahat ✨

same 37weeks and 6days now sobrang sakit sa singit nakakaramdam na ng mild labor kase nag tatake ng prime rose parang feeling ko mababali anytime yung banda sa singit ko apaka sakit talaga 🥺 tas sumasabay na pati sumakit tumbong ko kahit anong style mapa upo or higa sana makaraos na 💙

7mo ago

kaya nga e dame rin kase nag aantay sa pag labas ng baby boy namin kaya nahihiya pa hahaha imbis mapapadali napapatagal talaga

Me, same na same. masakit ang singet. tapos parang ipit na ipit ung pantog pag tatayo or lalakad. Nagstretching lang ako at exercise including squat every morning. sabi ng OB ko kasi normal daw po yung pain na yun since nababa na si baby sa pelvic area.

7mo ago

Hugs. kaya mo yan mumsh. maswerte ka nga may husband naalalay. husband ko nasa malayo eh. OFW. hihi.

Hello mi, ftm here. 37 weeks and 5 days now. Okay lang naman po ako parang normal lang. Wala din nararamdaman na tulad ng nararamdaman mo, siguro po iba iba ang pagbubuntis. Basta laban lang mi, malalagpasan mo din yan.

7mo ago

Praying for our safe and smooth normal delivery in Jesus name. Amen 😍

we like it or not,wala po tayo magagawa Me...mararanasan tlga natin yan...swerte lang ng ibang di masyado nakararanas ng ganito...sana makaraos na para maibsan ang hirap

7mo ago

struggle tlga natin yan😔pray nalang mkaraos na🙏

Update momshies: Ok ok na po ako ngayon. Nakakalakad na ulit. Lapit na din talaga manganak 🥰

6mo ago

hi mommy! ano pong EDD mo?