
Saan po kaya mas okay na lumapit Kung ang bata ay sinasaktan ng kinakasama ng kanyang mommy ? Sa ngayon ang bata po ay nasa mommy niya and Hindi po pinapakausap saamin ( I'm his dad). Minsan nakakausap namin ng patago yung bata pag pumupunta ang Lolo niya (side ng mommy niya) sa kanila. And sinasabi na ang bata ay sinasaktan at may mga pasa pa. Nung nakausap ko pa dati ang mommy ng bata ang Sabi ay pagdidisiplina lang daw Ito. 10 years old na ang anak ko and siya mismo na nagsasabi na gusto niya sa akin na siya pero di pumapayag ang nanay niya. Wala akong regular job but I can support sa pangangailangan ng bata. Ayaw din ng lalaki na tawagin siya ng papa ng anak ko kasi di naman daw siya tunay na tatay kaya pangalan lang niya ang tawag ng anak ko. Nagsusuporta ako ng maayos dati pero nalaman ko na Hindi naman nabibilhan ng maayos na mga pangangailangan ang bata kaya mag decide ako na groceries nalang or ako nalang mismo magbili ng kailangan at ipapadala nalang sa kanila which is ayaw ng mommy ng bata mas prefer niya ang pera at may demand siya na amount. Nung Hindi ko na sununod dun niya na nilayo saamin ang anak ko. Kasal ako ngayon at may anak na din . Ngayon nagsusuporta padin ako kahit maliit pero kahit magsabi lang na dumating natanggap niya na ang pera walang any response and update sa anak kom magsesend lang Kung saan ipapadala ang pera after padala wala na. Wala akong enough money to get a lawyer 🥹 #askmommies
Read more



