SKL sa marites na neighborhood

hi mga momshie alam ko di lang ako ang nakaranas ng ganito. sa lugar kasi namin di ako kilala masyado kilala nila mga kapatid ko pero di ako. di kasi ang lumalabas or tumatambay sa labas ng bahay kaya tingin nila saakin taong bahay lang ang di nila alam kapag natripan ko gumala eh alas otso palang ng umaga wala na ko sa bahay tapos ang uwi ko na eh madaling araw na 🀣🀣 di katulad nung sa bunso kong kapatid alam nila talagang lantad kung umawra lagi nga kami nakocompare pero wala naman issue saamin yun. eto na nga nung kumalat na buntis ako walang naniniwala akala nila yung bunsong kapatid ko ang buntis kasi sya yung nakikipag live in ako sa bahay lang talaga kaso eto na nga aa naconfirm nga nila na ako na ang buntis dahil ako ang nagpapacheck up. aba ang mga marites di makapaniwala kesyo nasa loob din daw pala ang kulo ko. paano daw ako nabuntis eh nasa loob lang daw ako ng bahay yung iba di pa makapaniwala na may jowa pala ako 🀣🀣 buti nlng yung mga kapatid to the rescue tinatawanan nila talaga yung mga chimosa sasabihin pa sa nagkikwento sakanya " anong nasa loob kulo jusko di nyo lang nakikita kasi aalis yan ng bahay naghihilik pa mga pwet nyo tapos uuwi nakahandusay pa din kayo" or sasabihin nya pa "mas malayo pa nararating nyan kesa saakin" tapos sasabihin pa sakanya may boyfriend pala ate mo sasagutin nya "pitong taon na sila normal na yun" nakakatawa lang na ang daming pakielamera sa buhay mo na akala mo kilala ka nila. yung iba ikaw na mismo iintrigahin na feeling close. gusto sila ang source 🀣🀣🀣#1stimemom #firstbaby #pregnancy

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

hindi talaga mawawalan ng marites kahit saan meron nyan mars. wag mo na lang pansinin. hindi naman sila ang gagastos sa pagpapaanak mo eh. dedma queen nalang tayis.