Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
31.4 K following
Ano po kaya itong nasa leeg ng akin baby 11 days palang po sya napawisan kasi yun leeg nya
Ano po kaya dapat kong gawin first time mom po medyo kinakabahan lang po sana mapansin nyo po
Mabubuntis po ba agad pagkapanganak pa lang we make love when im 2 weeks after giving birth?
#help1sttimemompls
Breech baby
Hindi na talaga umikot si baby ko buhat ng sept hanggang ngayon breech pa din. Nov 30 p due dated ko pero nov 11 schedule ng cs ko. Kayang kaya nmn sana normal 2.5kls lng si baby. Hindi ko din inaasahan na ma cs, panganay ko NSD nmn. Parang natatakot ako ng ma cs😔
Watery Poops
Hello po, tanong ko lang po kung need po ba magswitch ng milk si baby pag ganito ang poops niya. Basang basa po siya
Iyakin na baby
Meron po ba dto na napakaiyakin at bugnutin ng baby nila? Baby ko 2months na pero iyakin pa din parang dede lang ang nagpapacomfort saknya to the point na ang dami na nia lungad baka na overfeed kona sya kasi pag di nag dede iiyak. Putol putol ang tulog nya palagi sya nagigising bigla at iyak agad ng malakas na parang may masakit. Bihira talaga na gising sya at tahimik lang, lagi pag gising sya naiyak sya at nid na buhatin para tumahimik at patulugin. Naglalagay na din ako ng pamahid sa tyan nya kasi baka kako kinakabag at pinapaburp naman namen sya. Pure bf po si baby koat Preterm po sya mula ng lumabas kami sa nicu ganto na sya. Nakkafrustrate na at nakakabahala. Meron po ba dto na ganto baby nila? Pano po ang ginawa nyo?
Hello mga mi. FTM here Mag 3 weeks na si LO ko Since day 1 super iyakin nya tuwing gabi, hindi nagpapatulog kaya grabe puyat namin lagi. Napadede na, napaburp, napalitan diaper, maayos ang higaan and all, pero iyak pa rin ng iyak Makakatulog kapag hinehele pero kapag ibababa mga 1min lang iiyak na ulit. Sino po may same experience? Paano po ginawa nyo? Hanggang kelan po kaya ito? Naiiyak na rin ako tuwing umiiyak sya kasi hindi ko na talaga alam ang gagawin, pagod na pagod na ako. :( Tips naman mga mi please, sukong suko na ako.
Ubo at Bahing ng bahing
Hello po, 2 weeks old pa lang po si Baby ko, pero bahing po sya ng bahing pero wala naman po kasama sipon, then naubo ubo din po sya pero hindi naman madalas, may konting sounds din po pag humihinga sya. First time mom po ako at di ko alam ano gagawin ko😥
LO no eye contact during bfeeding
Hi mga mii mayron din ba sa inyong hindi tinitignan ni LO kapag nagpapa bfeed? As in never nya ako tinignan, nakakalungkot lang. Kasi lahat ng tinanong ko nakikipagtitigan baby nila sa knila e. 1month si baby ko. #FTM #breastfeedbabies
Pagmumuta ni baby
Normal po ba na nagmumuta since birth si baby 1week old palang po baby ko. Yung muta nya nasa loob na din ng mata nya parang lamad sa loob.
1 month old inuubo
Hello mga mie kakastart lang ng ubo ng baby ko kahapon wala naman po syang sipon. Ano po pinakamagandang gawin yung hndi po sana mag gagamot para po maagapan agad thanks