Iyakin na baby

Meron po ba dto na napakaiyakin at bugnutin ng baby nila? Baby ko 2months na pero iyakin pa din parang dede lang ang nagpapacomfort saknya to the point na ang dami na nia lungad baka na overfeed kona sya kasi pag di nag dede iiyak. Putol putol ang tulog nya palagi sya nagigising bigla at iyak agad ng malakas na parang may masakit. Bihira talaga na gising sya at tahimik lang, lagi pag gising sya naiyak sya at nid na buhatin para tumahimik at patulugin. Naglalagay na din ako ng pamahid sa tyan nya kasi baka kako kinakabag at pinapaburp naman namen sya. Pure bf po si baby koat Preterm po sya mula ng lumabas kami sa nicu ganto na sya. Nakkafrustrate na at nakakabahala. Meron po ba dto na ganto baby nila? Pano po ang ginawa nyo?

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply