family problem

yung nanay po ng asawa ko ayaw dito patirahin saamin yung asawa ko, gusto ko po kasi dito mag aral at magtrabaho para magkakasama kami, pero ayaw nung nanay nya dahil hindi daw makakapag focus, mali po ba yung gusto ko na mgkakasama kami? na kami ng anak namin yung uuwian nya? araw araw po akong stress dahil jan, yung asawa ko po gusto ako makasama pero ayaw daw ng nanay nya, ano po pwede kong gawin? hayaan ko nalang sila? hayaan ko nalang na magkalayo kame?

23 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kung nasa right age na po kayo sis and kaya niyo na magprovide para sa pangangailangan nyo sa araw-araw wala problema un. Pero kung pareho pa kayo umaasa sa parents niyo talagang mahihirapan kayo. Mukhang student pa ata si hubby mo e.

Nag aaral pa po kasi ata kayo? Ganyan din po ako. Gusto po ng mama ko na makapag tapos muna kami ng pag aaral, at ikasal muna bago kami mag sama. At naiintindihan ko naman po sila dahil wala pa rin kami sa tamang edad. Skl hehe

Kasal ba kau sis?kung kasal na kau wala na dapat hawak ang nanay ng asawa mo sa kanya ikaw ang asawa kaya ikaw dapat kasama nya pro kung dpa kau kasal at pina pa aral pa lng asawa mo tiis tiis lng muna

VIP Member

If nasa tamang age na kayo, pwede naman na magkasama kayo. Pero kung di pa kayo legal age at pareho pang nag-aaral, siguro kausapin nyo na lang both parents nyo kung ano yung magiging pasya nila.

VIP Member

If nasa tamang age na kayo, pwede na kayo magsama if gusto niya basta nasa right age na kayo and kaya niyo na. Pero kung naasa pa kayo sa parents ng bawat isa mukhang no choice kayo sis.

“Therefore a man shall leave his father and mother and hold fast to his wife, and the two shall become one flesh.” Ephesians 5:31 ESV https://bible.com/bible/59/eph.5.31.ESV

4y ago

hindi po talaga dapat magkasama ang dalawang parent. kelangan nyong matuto,mamuhay at magtiwala kay Lord sa marriage nyo.kapag kasama nyo ang parents nyo,nanay at tatay nyo lagi ang nasusunod

wala naman magagawa nanay ng asawa mo kung kayo pipiliin ng asawa mo makasama depende nalang kung mamas boy asawa mo palagi sa palda ng nanay niya nakasiksik

Ilang taon kana sis, pati husband kwento mo buong story para mapayuhan ka namin hirap kasi mag judge ng hindi kumpleto ang kwento

Sis buhay nyo na yan kau na maG decide... Explain nYo naLang sa mama ng asawa mo ung point nyO para maGkaintindihan kau.

Ilang taon ka na ba? Ilang taon na asawa mo? Kasal ba kayo? Ang hirap magpayo kasi hindi ko alam ang buong kwento.