Yung MIL ko mag-isa sa malaking bahay nila. Kami ng fiance ko andito sa parents ko kasi need ko mom ko bec of our baby. Pagkakasal namin sa March aalis na kami dito sa house ng parents ko. Pero ayokong tumira sa bahay ng MIL ko, kasi hindi kami magkakasundo. Nagbakasyong kami sa kanya ng 1 week, stress lang inabot ko. Nakita ko na hndi kami pwede magsama. Nakakalimutan nya kasing ako ang nanay, at pinapamukha nya sakin na wala akong alam sa pagaalaga. Ultimo paglalaro namin ng anak ko, sinasaway nya. Lagi syang nakabantay sa pagpapaligo ko sa anak ko, konting iyak lang agad agad gusto nyang kunin para sya ang magpatahan. Nakakainis. Ayaw ko pa naman pinapakielaman ako lalong lalo na sa anak ko. Sinabi ko sa fiance ko, okay lang skanya basta rerent kami malapit sa bahay nila na walking distance lang.
Kakaguilty lang kasi nanay nya yun, pero ayokong umabot kami sa point na magaaway kami ng nanay nya kasi di ako makakapangakong makakapagtimpi ako palagi. 🙄