Nakakainis

Yung matben ko na dapat gagamitin ko pang tuition ng anak ko, nawala na! All because hindi nagpapadala ng budget yung mga kapatid ng asawa ko para sa parents nila na pinauwi nila samin. Di naman pala nila kaya tustusan tulad ng sinabi nila nung binigla nila kami pauwiin dito, di sana hindi na lang nila pinauwi. Alam na alam naman nila na walang wala rin kami. Pati emergency funds namin wala na! Naaawa ako sa anak ko. Di ko alam kung saan pa ko kukuha pang tuition niya this coming school year lalo na wala pang work asawa ko at hindi pa ko makapag work dahil kay baby. Pati nga pang apply niya, wala na. Sorry. Pero inis na inis talaga ako. Gusto ko na silang layasan pero saan naman ako pupunta ?

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nakaka bwisit talaga yung ganyan e, yung kahit dka likas na bastos o ma issue sa mga inlaws inlaws na yan o kahit sino pang myembro ng family ng asawa mo makukuha mo talagang mabwisit at worst magalit kana hays. May mga ganyang pangyayari talaga e, tulad din ako ngayon, nagaaway din kami ng asawa ko dahil mas mahalaga parin sakanya yung mga magulang nia kesa samin na mag ina na. Kumbaga kahit kami na ang nawala sa buhay nia ok lang wag lang mga magulang nia, hays. Nakakapagod umintindi na pag ganyan minsan, kaya momsh nasasayo nalang talaga kung tatanggapin mo palagi na pangalawang priority lang kayo, wala naman sana issue e kung marunong silang tumimbang.

Magbasa pa