5months pregnant

Naiiyak at natutulala ako. Di ko na alam yung gagawin ko. Ang dami palang gastos pag buntis. Di ko alam kung san ako kukuha ng mga pang check up ko. Limang buwan na yung tyan ko pero di pa ko nachecheck up ng maayos. Ni mga vaccine na kailangan wala pa kong nagagawa. Dalawang vitamins plang naiinom ko. Ni laboratory di ko rin nagagawa. Jusko! Di ko pa alam kung anong lagay ng baby sa tyan ko. Naiiyak nako. Wala pang work yung partner ko pang gastos. Nahihiya nako sa mama ko kasi sya lahat gumagastos ng kinakain at gatas ko. Si mama lang sumusustento samin ng pamilya namin dahil walang trabaho papa ko tsaka kuya ko. Naiiyak na talaga ako. Ang hirap pala. #firstbaby #1stimemom #firstpregnancy

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi momsh. Going 6 months na ko nung first check up ko. Yun palang kasi yung time na nagsabi ako sa parents ko. Punta ka nalang po sa center if wala kang pera. Libre lang po vitamins tsaka prenatal. Safe pa po kesa pumunta ka sa hospital.

4y ago

Hello mommy, i hope you are okay, Mag pray po tayo na your baby is okay. I know tutulungan ka ni Lord, wag po tayo mawalan ng pag asa Go to your barangay center.