Nakakainis

Yung matben ko na dapat gagamitin ko pang tuition ng anak ko, nawala na! All because hindi nagpapadala ng budget yung mga kapatid ng asawa ko para sa parents nila na pinauwi nila samin. Di naman pala nila kaya tustusan tulad ng sinabi nila nung binigla nila kami pauwiin dito, di sana hindi na lang nila pinauwi. Alam na alam naman nila na walang wala rin kami. Pati emergency funds namin wala na! Naaawa ako sa anak ko. Di ko alam kung saan pa ko kukuha pang tuition niya this coming school year lalo na wala pang work asawa ko at hindi pa ko makapag work dahil kay baby. Pati nga pang apply niya, wala na. Sorry. Pero inis na inis talaga ako. Gusto ko na silang layasan pero saan naman ako pupunta ?

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Di ko alam if mararanasan ko to pero mahirap talaga na kayo ng hubby mo ang sasalo sa mga byanan mo. Yan ang pagsisimulan ng away ng mag asawa kapag na involve na ang in-laws. Wala ba pension ang mga byanan mo? Okay lang na kargo mo sila sa pagkain pero mahirap kung pati mga gamot, kayo pa rin. May pamilya na kayo so ang number one priority ay ung mga bata. Kausapin mo asawa mo, wag ka lumayas. Isipin mo, ngayon, kayo ng mga anak mo ang nas a taas, 2nd na lang ang byanan. Di naman sa pagiging masama pero its best talaga na wala kasama byanan sa bahay. Ibukod na lang cguro mga byanan at pagulungan ng mga magkakapatid including your hubby pero never mo ibigay ung financial mo kasi sayo yun at sa mga bata. Magdamot ka momsh, di naman masama if di kayo magbibigay if walang wala naman talaga kayo. Isacrifice mo na lang good relationship mo sa byanan mo kesa kapakanan ng mga anak mo.

Magbasa pa
6y ago

Wala pa po silang pension. Kami na nga po sumasagot lahat dahil wala naman kaming choice nung umuwi sila ng biglaan samin. Lahat ng utility bills namin domoble kaya sobrang bigat. Meron naman silang anak na mas nakakaluwag sa buhay at single pero hindi ko maintindihan sa mga kapatid ng asawa kung bakit kailangan samin eh walang wala naman kami. Pati pagkain napakagastos. May mild allergy ako sa itlog at manok pero pag yun ang niluluto ng biyenan ko wala akong magagawa kundi kumaen dahil hindi sya kumakain ng isda. Kaya kung ako lang talaga, mas gusto kong hindi sila kasama dahil sobrang gastos. Hindi nila alam ung word na "magtipid".