Nakakainis

Yung matben ko na dapat gagamitin ko pang tuition ng anak ko, nawala na! All because hindi nagpapadala ng budget yung mga kapatid ng asawa ko para sa parents nila na pinauwi nila samin. Di naman pala nila kaya tustusan tulad ng sinabi nila nung binigla nila kami pauwiin dito, di sana hindi na lang nila pinauwi. Alam na alam naman nila na walang wala rin kami. Pati emergency funds namin wala na! Naaawa ako sa anak ko. Di ko alam kung saan pa ko kukuha pang tuition niya this coming school year lalo na wala pang work asawa ko at hindi pa ko makapag work dahil kay baby. Pati nga pang apply niya, wala na. Sorry. Pero inis na inis talaga ako. Gusto ko na silang layasan pero saan naman ako pupunta ?

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yun nga po mas nakakasama ng loob, tuwing lalapit asawa ko para kunin yung pinangako nila, halos taguan nila. Madalas wala daw pera, maswerte na kung magbigay sila ng 1k sa isang buwan. Yung isang libo na yun kulang na kulang yun sa mga biyenan ko sa pagkain pa lang ng isang linggo dahil malalakas silang kumain. Buti sana kung babayaran nila yung perang pang tuition sana ng anak ko na ginastos ko sa mga biyenan ko kaso hindi eh.

Magbasa pa