papatulan ko ba to oh hindi....

Yung i jujudge ka ng sister inlaw mo na wala kang ginagawang gawaing bahay at umaasa lang ako sa kapatid niya(asawa ko) Tapos i popost pa sa fb .. Hindi niya kasi nakikita yung mga ginagawa ko. Yung pag pupuyat mo sa anak mo yung pag papAligo mo kahit nahihirapan ka kasi CS ka yung pag kakarga pag nasa trabaho yung asawa mo tapos pati pag tulog ko papakialaman pa .. Natural lang nmn na sabayan mo ng tulog yung anak mo kasi pagod ka at kakapanganak mo lang.. Haysss ang hirap makisama sa mga makikitid ang utak at di marunong umunawa

80 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hirap talaga makisama. ako din e, 3rd trimester ko na, never ko man lang naramdaman care nila sakin bilang isang buntis, minsan pakiramdam ko hindi ako buntis. Galaw ako ng galaw sa bahay, mga walang kusa pa, ultimo pinagkainan nila hindi nila mahugasan. Hindi ko naman na binabanggit sa asawa ko kasi ayaw ko naman magkasamaan pa sila ng loob. ang hirap lang.

Magbasa pa