βœ•

I Need Advice

Yung husband ko, kanina nag uusap lang kami then nauwi yung usapan sa pagtatalo. Lumabas siya sa Terrace. Patulog na sana ako tapos narinig ko beep ng beep yung Cellphone niya. Notification ng Messenger. 2 kasi CP niya naiwan niya yung isa naka charge. Nakita ko may chat isang Girl. "No Boyfriend 3 mos ago" So parang getting to know stage palang sila. Chinat ko din asawa ko sabi ko. "Kakausap lang natin nakikipag landian ka na" Then nung na seen niya. Pumasok siya sa kwarto. Nag pretend na parang wala lang. Deretso sa CR. Hindi ako makatulog kaya kinonfront ko siya. Sabi ko sino ka chat niya. Yung pamangkin niya daw na lalaki. Sabi ko yung totoo. Yun lang daw. Sabi ko may nakita ako babae. Tapos bgla niya na binanggit yung name ni girl. Sabi ko, anong pinag uusapan niyo.? Wala daw, nangamusta lang daw. Ininsist ko na titignan ko cp niya. Kakapilit ko kinuha na niya cp niya. Pinakita niya pero dun lang sa thread same day. Ayaw niya ipahawak sa akin CP niya. Mabilis ko inabot para maibrowse pataas. May mga nakita na picture. Ang ending May 15 pa pala sila nag kakachat hindi naman araw araw. Pero yung girl parang nilalandi yung husband ko kasi alam na FilAm. Yung asawa ko naman nanghihingi ng Photo. Si girl naman send agad mga sexy photo pa sinesend. Aftee nun tinigilan ko na yung asawa ko awayin. Wala ako masabi sa kanya. Pero galit na galit ako sa kanya. Hindi ko alam kung normal ba sa lalaki na ganun ang response sa mga ganung b*tch or p3rv3rt lang ba siya. ? 4 mos palang baby namin. Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko pa ba yung asawa ko. Ang dali dali lang niya lumandi at Bumigay sa babae. ?

18 Replies

Hi momshie kahit ako sa kalagayan mo hndi ko din alam ang gagawin ko 😞 pero mas better po na pag usapan nyo po ng maayos ung gnyang sitwasyon nyo po. Kasi di po maganda sau ung naiistress ka at masyadong emosyonal. Naapektuhan po si baby kpag gnun😞 ang gwin nyo po is pagkinausap nyo po sya wag nyo po pang unahan ung galit nyo po saknya, tanungin mo po sya kung ano ba nangyari sainyo bkit bigla nlang nagkaganun sya sau. Bsta momsh magtanong tanong ka po sknya pra alam nyo din po kng ano po minsan ang pagkakamali nyo din po. Minsan po kase gnun po ang lalaki. Hndi natin namamalayan na nasasaktan na pla ntin sila ksi masydo po silang tahimik kpag nasasaktan at nahihirapan ung tipong hndi nila pinapakita sau at pinaparamdam pero deep inside ganun na nraramdaman nila. Kya nag hahanap sila ng way pra mwala ung sa sitwasyon ntin at makahanap ng ikasasaya nila sa ibang babae. Pero kahit gnun pa man mali din po ung ginawa ng asawa nyo po. Hindi po dpat gnun ang ginawa nya dhil lalo lang lalaki ang problema nyo mag asawa. Pero kung gagawin nyo po ung sinabe ko po na wag nyo po muna pangunahan ung galit nyo po sknya bka magkausap pa po kau ng maayos mag asawa. Minsan din po kse naghahanap din po ang lalaki ng lambing ntin mga asawa kaya ganun po. Pag usapan nyo po ng maayos momshie at mag pray ka din po na sana magkaayos at mwala na po sa asawa mo po ung pambababae na ginawa nya sau. Pakiusapan nyo din po ung babae na lumalandi sa asawa mo po. Kung di dumaan sa pakikipag usap ng maayos, siguro momshie kailangan mo ng lumaban ngaun. Kung kasal po kau idemanda mo po at kumuha ka ng proof na nangbababae nga asawa mo po. Kung di nmn po kau kasal momsh ipatulfo mo po pra matulungan ka ni tulfo lalo na po buntis ka 😒 ipaglaban nyo po karapatan nyo po momsh wag po kau papadala sa stress at emosyonal. Ipagppray ko din po kau. Un lang ang tangi ko rin maitutulong sau. I hope na magkaayos po kau mag asawa at hndi na umabot sa punto ganun magkademanhan.

yung hubby ko ganyan din,yung pag kakaiba lang is yung girl na ka chat nya is bff bya at inamin nya sakin dati pa na c bff nya yung childhood crush and hanggang college cla,niligawan nya pa nga dati,kaso d sya sinagot nung bff nya,kaya sinabi ko kay hubby na kahit bff mo lang sya nag seselos ako sa kanya,ayoko ng lagi cla nag chachat,so far naman pag nag chachat cla hindi na yung hubby ko ang una nag memessage,knowing din sa ugali ng hubby ko hindi yun marunong mang snob,kaya sasagot lang sya hanggang 4 to 5 convo pang cla ng kamustahan,tapos wala na,lagi nya sinasabi sakin now pag pinaapakita nya convo nila na wag ako mag selos nag kukumustahan lang cla,d na ako umiimik kc naiintindihan ko naman kc nga childhood friend na cla bago naging kami 😊😊 kaya sis,prangkahin mo asawa mo,kung hindi parin sya nag stop edi turuan mo leksyon, e try mo umuwi sa inyo, give him a cold shoulder and sis make a move na din,be your husband bitch,total asawa mo naman sya,para d na nya maisip na tumingin sa iba,kc pag satisfied sayo ang asawa mo, yung tipong kahit may baby na kayo ehh hindi ka mag kukulang sa kanya pag dating sa kama,lalo na filAm asawa mo,malilibog pa naman yang mga yanπŸ˜†πŸ˜†

Ipa realize niyo na lang sakanya mommy na may baby na kayong paparating at kung ano ba plano niya sa buhay niya at sainyo ng baby niyo. Ipa realize mo din na yang mga ganyang bagay walang magandang maidudulot kasi kung sakaling maghiwalay man kayo at maginig sila nung girl history will repeat itself hndi siya makukuntento hahanap at hahanap siya ng iba kaya ang ending masisira din siya. Ipa realize mo na walang ibang magmamahal sakanya ng tunay kundi kayo ng baby mo. Kausapin mo ng masinsinan mommy kaso kung idadaan mo sa galit walang mangyayare sa family niyo. Mag dasal ka ask for courage to speak and let god speak for you. Kaya mo yan mumsh, wag mo masyado stressin sarili mo. Kung gusto mo chat mo yung girl kausapin mo na kung pwede wag na niya i-entertain asawa mo kasi may baby na kayo. Tibayan mo loob mo, mag post ka lang din kung nasasaktan kana at nahihirapan madami kaming makikinig sayo 😊😊 Cheer up, you can overcome it mommy 😚😚

Ako pag ganyan sis hiwalay agad. Hinde naman sya makikipagusap sa girl if hinde sya interested na magloko. One time nahuli ko sya nakipaghiwalay talaga ko i told him marami sakin nagkakagusto ang naghihintay alam naman nya yon. nagmakaawa naman sya as in iyak sya night until morning. Make sure na if ifoforgive mo sya magdusa muna sya haha. Ang reason nya is lage ko daw sya inaaway and nasisigawan and malandi daw ung girl yun daw nanguna talaga and i believe him kase kachat ko gurl nagpretend ako na ako si hubby di pa pala cla nagkikita nagchat lang muna pero sila na sa chat kadiri parang hs lang! Pg naaalala ko un naiinis talaga ko pero as of now mabait nya never n nya inulit kc alam nya hihiwalayan ko tlga sya

Hi mamsh. The decision is all up to you mamsh, you have the alas in your relationship. You want him to stay? Deal with it. Ayusin mo sya, mahinahon mong kausapin kahit nakita mona lahat. If you think na sya mismo ang umaayaw na ayusin ang relationship niyo to think na sya ang may kasalanan, you have to let him go mamsh. Don't carry all the burden in ur relationship. Magandang pinag-uusapan kesa puro galit at kimkim na lang, wala ng patutunguhan kapag ganun.

VIP Member

Hahaha nakakaloka magpayo no karamihan iwan na agad.. sana ganun kadali dba mommy.. usap lang kau maaus ung may lambing mommy kc ang lalaki pag inaaway mo lalo ngpupumiglas dapat marunong din tau mkipag charm kahit galit tau..at tsaka mommy bka nmn ngkukulang kna kay hubby kc mnsan ganyn ngyayari kapag ng kaka pamilya na ngiiba relasyon try na baguhin ulit bago plang nmn yang nilalandi nya pde mo pa yan maaus πŸ˜ŠπŸ‘πŸ»

Aw based sa kwento mo sis i think nambababae sya. Unang una nagssinungaling na sya. Pangalawa if he’s not interested bakit may pag hingi ng photos! Very wrong sya dun. Baka mmya magulat ka nlng nagkikita na yan. Mga lalake tlga.. be observant, wag m muna sya awayin. Hulihin m muna ng tamang ebidensya then if confirmed, hiwalayan mo na dahil stress lang dala nyan πŸ‘

Oo dapat me solid evidence.

VIP Member

Iwan mo na. Tira ka naman ng pride sa katawan mo momsh. Porket FilAm kawalan na? Hindi. Hayaan mo siya. Si ginto ang bayag niya para pagtiisan mo. Kung ako sayo sinira ko phone niya at pinalayas ko pa siya sa bahay ko. Or kuha ako ng evidence taz ipapakulong ko siya para magtanda. My ghad. πŸ™„

Tama lng na kinonfront mo sya. Atleast alm nya na magrereact ka tlg. Then pg ok kna at ndi na gnn kainit ulo mo talk to him. Tanungn mo sya bt nya nggawa un. And tell him na ayw mo nkkipgusp sya sa kht cno na girl. Iparamdam mdin sknya na dpt i-earn nya uli un trust mo sknya..

Grabe nmn Ni husband 4mos Pa. Lng baby nyo lumalandi na... Nagsisinungaling na yan momshie.. Hwag mong awayin tpos deadma Mo as if kinalimotan Mo na ung kachat nya tpos hanap ka mga ebedinsya and if confirm kasuhan Mo na agad PRA mgtanto

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles