Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
unplanned but still blessed and thankful
Breastmilk
Hi po! One year na po nung manganak ako pero sadly premature si baby at di nakayanan, hindi sya nakadede sakin maski isang beses. Then, neto lang medyo sumasakit dibdib ko, lumalaki at may nalabas na milk. (hindi naman tumutulo nung piniga ko lang tyaka may lumabas) Is it normal po ba? P.S naka-injectable po ako.
C-section
Hi! I just want to know your opinion ? due to lockdown and pandemic kailangan ko pong magbike papuntang work, pwede na po kaya since one year na ako nung manganak?
benefits
Hi guys! I want some advice or opinion. I started working sa isang franchise convenient store last July 2018, sinimulan ako kaltasan ng benefits, November until January 2019. I formally resigned ng February 2019 then chineck ko yung mga benefits ko, LAHAT walang hulog. Tinanong ko si manager thru text kung bakit walang hulog ang sabe niya quarterly sya nagbabayad, by June pa raw yun magrereflect. Naging kampante ako. Last month, nanganak ako kailangan ng philhealth para madiscount ang billings namen. Nung malaman ko, walang hulog. Kaya guys I badly need you advice, ano gagawen ko? Kausapin ko ba ulit yung dati kong manager at ipa-refund na lang yung di niua hinulog or ipa-dole ko para dina maulit sa iba? P.S. wala ren po akong back pay
week 27 day 5
Mamsh, is this normal? Naninigas ren po tyan ko pero di humihilab
sonologist
Hi mamsh! Ask ko lang if saan may murang medical clinic for ob-gyne sonologist? How much po? Paki-indicate na ren po yung opening and closing hours nila. Tia. -from addition hills Wala raw po kase nun sa annex and manda hospital eh
Maternity Benefits (sss)
Hi mamsh! Quarterly po raw kase ang hulog ng employer ko. Nov '18, Dec '18 & Jan '19. Kinaltasan niya po ako ng benefits by June daw po magrereflect yung hulog. Ask ko lang po if may makukuha po akong benefits turning 7 months preggy?
MicroAsia
Hi mamsh, sino na po dito ang nakapagpalaboratory testing sa MicroAsia? Magkano po inabot?
naninigas
Hi mamsh ?kagabe pa kase naninigas yung top portion ng tummy ko, kumikirot ganun pero diko masasabeng humihilab. Is it normal po ba?
manas
Hi mamsh! Alam ko po na natural lang ang manas sa buntis pero normal lang den po ba na namamaga na? Tipong kapag napipisil o napipindot yung manas ko sa paa, may kirot ng kasama ?
poop
Hi mamsh! ? is it normal po ba na tumatae ka after magtake ng medicines? I mean, nagpacheck-up po ako then niresetahan ako ng gamot sa uti (2x), ubo (3x), sipon(3x), ferrous sulfate (3x) and ob mom per day. Nung first 3 days, nagtatae ako pero di ganun kabasa then ngayon medyo okay na medyo mas matigas na yung poop compare sa first 3 days. Ask ko lang po if normal lang na everytime na magtatake ako ng medicines, after 30mins - 1 hrs nagpo-poop ako?