POST PARTUM DEPRESSION KILLS ME

Yung di mo alam kung pano papatahanin baby mo. Yung puyat na puyat ka. Kasi buong magdamag kang gising dahil nag ngingipin baby mo at iritable. Yung hindi mo na alam kung san ka kukuha ng pang gastos pang araw araw. Yung hindi mo pa kasundo yung asawa ng kapatid ng asawa mo. (hipag) yung bigla kana lang maiiyak at matutulala. Minsan nasisigawan ko pa baby ko. Mga mamsh, hindi ko na po kaya. ??? Feeling ko sasabog na ko. Hindi din ako maintindihan ng asawa ko. Hindi ko na alam gagawin ko ???

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Laban lang momsh! Lahat tayong mga ina may kanya-kanyang struggles sa pag-aalaga ng baby. Ganyan din ako nung first 3 months palang ng baby ko, zombie mode palagi. Pero iniisip ko lang nuon na malalampasan ko rin lahat ng iyon. Pray ka lang po. Wag kang susuko momsh. Kaya mo yan.