RANT
Yung bf ko po tuwing pagkatapos ng klase nagiinom , may mga babae pang kasama at nagsisinungaling po sya sakin pero nalalaman ko pa din. Andito po sya samin ngayon pero hindi ko sya tinatabihan matulog 3 days na pong ganito, nawawalan po kasi talaga na ko ng gana at tiwala sa mga pinag gagagawa nya. Gusto ko sanang intindihin kasi syempre nong dati wala talaga sya kaibigan non sa mga kaklase nya, kaya siguro ganto sya ngayon pero nakakainis lang kasi magkakaanak na po kami pero kung anu ano inuuna nya. Ilang beses napo namin napagawayan Yung mga kaklase nya na yun , puro sya sabi ng hindi nya na uulitin pero inuulit nya lang din po ng inuulit kaya nawawalan na talaga ko ng tiwala.