25 Replies

Please do remember 9mos sa sinapupunan natin ang baby. Nag aadjust pa sila sa bagonf environment. Malamig maingay. Unlike sa womb warm, safe and quiet. We cant expect our baby to learn to be independent pagkalabas palang. Hehe. Kargahin mo lng sya lagi mommy. Then pag nakatulog at ilalapag mo na. Ibalot m sya sa damit mong hinubad para naaamoy ka nya. 😉

ganyan ho talaga mga lo momshie.. ako nga hanggang 2 mos ko xa karga2. ginawa ko sinanay ko sya sa umaga. pgtulog na nilalapag ko tapos nagigising. karga ulit tapos lapag nanaman. pa ulit ulit hanggang sa nasanay. running 3 months na xa ngayon. tsagaan nyo lng ho muna momsh.. need nya hug mo everyday. swaddle mo nlng muna pag me gagawin ka.

May times nga na habang karga ko sya, ako yung nakakatulog. Ngayon 4 months na sya at natatawa nalang ako pag naaalala ko yung moments na yun. Icherish mo yan mommy, kasi minsan lang sila maging baby at hahanap-hanapin mo rin yang ganyang moments. Tyaga lang. Magiging comfortable din sya as time goes by. :)

Ganyan naman ata Talaga lahat ng babies, yung akin naman ganyan na ganyan din. Gusto lagi karga. Ayaw mag pababa so wala akong nagagawa sa bahay kundi kargahin cya, kahit anong himbing ng tulog nya, maya maya nagigising cya. Sa dibdib ko na nga nakakatulog e.

mamsh same na same tau ngayun sa umaga buong araw na nagpapakarga at hele hele para lang mkatulog kaso nagigising pa dn pag nilalapag ko na going 2mos naman si lo sa sept 18 . ewan ko lang kung magbabago cycle nito . ang hirap nuh?😁

Normal po yan mommy, lalo na at 1 month palang. Ok lang po na buhatin mo, kasi need nila ng care kasi baby palang. Yung baby ko 2 months sya nung hndi ko malapag, pero now na 3 months na sya naiiwan ko na sya sa kama.

Swaddle. Then dapat hindi siya tulog pag ilalagay sa kama dapat medyo patulog palang para hindi siya umiyak at manibago. Pag nakatulog siya sa arms mo at nagising siya na wala na sa arms mo iiyak talaga si baby.

Naninibago lg yan mhie .. nasanay ksi sa loob ng stomach ntin na mainit.. Iduyan nyu na lg po.. if hindi pa rin just take time carry lg muna.. gusto pa nyan mommy touch.. unahin muna baby bago ibng gawain.. or sabayan mu sya mtulog mhie 😊😊

Normal lang po yung ganyan mamsh. Same tayo 1month nadin si baby ayaw din nya magpalapag sa higaan. Ang ginagawa ko sinasayaw ko sya hanggang mahimbing ng tulog, pag mahimbing na tsaka ko sya ilalapag.

It is normal lang po sa baby na ganyan sila. Nag a adjust pa sila. Magbabago din yan mommy. Baby ko 2months na sya hindi na ako gaanong puyat noong new born sya. Grabee hirap. Like now nag iba na.

VIP Member

Nakatulong sa amin yung music mobile sa crib, nakakalibang at nakaka enhance din ng eye sight ni baby. Make sure lang na wag masyadong malapit sa face.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles