need advice

My LO baby girl is 6 months and 1 week 7.5 kg ,EBF, last month we went sa pedia nya and sinabi na nakared flag n daw si baby kasi hndi cya ng roll ,pag dumadapa cya naiirita cya umiiyak .natry ko na mgbigay ng toys ,laruin cya pero ayaw nya tlga ,, ano ba dapat kong gawin nakakastress na din kasi Pag umiiyak cya sympre bubuhatin ko na pero pano nya madedevelop skills nya ... My same case ba si LO ko dito Ty

need advice
11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pag po padedehin mo sya magside lying ka po. Itagilid mo sya kapag dede sya sayo. Tapos idapa mo sya sa dibdib mo kapag nakahiga ka. Para itaas nya ang ulo nya. Then itatry na nya ipush sarili nya. Tapos momshie try mo din gawin na nakahiga sya tapos hawakan mo sa kamay, hilahin mo sya pabangon pero dahan dahan lang, dapat hihilahin nya sarili nya non pabangon. Basta dahan dahan lng po muna sa mga activities nya. Try mo po idownload ang baby sparks na app. Meron don mga tutorials para madevelop ang mga skills nya. Or search ka sa youtube ng mga activies for babies sa age nya or lower mo yung age kung hindi nya pa kaya yung ka age nya na development. Saka momshie hilutin mo si baby. Hilutin mo katawan nya. Yung mga matatanda marunong sila maghilot ng baby tuwing gabi saka sa umaga, magpaturo ka if hindi ka marunong

Magbasa pa
5y ago

Tapos maglagay ka din po ng toys sa tabi nya para abutin nya. Yung baby ko kase 5months nung natuto sya dumapa. Nung 3months sya pag nadede nagsidelying kame, tinatigilid ko sya. After non kusa na sya natagilid kapag dedede siguro mga 4months sya ganon na, then after non ako nagroroll over saknya, minsan nakahiga sya tapos tataas ko kamay nyang isa sa bewang ko hahawakan para dumapa. Pero dapat malakas na muscles at bones nya. Wag mo din po kalungin agad. Kapag nagising sya hayaan mo lng po sya. Wag muna kayo magpakita para gumawa sya ng paraan. Wag mo din po lalagyan ng unan na katabi para malay sya makakilos. Kaya nyo yan momshie. Mukang malakas naman si baby 😊

Sis baka kc weak pa muscle strength nya sa arms kaya di pa nya kaya buhatin sarili nya. Idevelop nyo po muna arms na. Mg exercise using her arms, parang see saw oero nakahawak ka sa hands nya at hayaan nyo syang ipull up sarili nya. Kung malakas na arms nya baka naman kaya na nya body nya next

Hello! Wag ka po maxado mag worry mommy. Babies develop differently in unique ways. Although may guidelines ng development according to their age. 😊 my first born, didn't experience crawling. Ok naman xa. Ang nakaka worry much po ay kung may head lag pa kahit 6 months na xa.

Same case here momsh yung baby boy ko super iyakin pero sinanay kong ilapag sa kama sa rubber mat kusa siyang nagroll over nagttummy time na din siya mag isa.. Basta hayaan mo lang siya mahiga sa kama kusang mag roll over yan. 😊

5y ago

Yes sis hinahayaan ko na cya ngaun sa rubber mat ..parang nanotice ko weak ung arms muscle nya kasi d nya naitutuon Like pag tummy time nya nya ilang minutes lng tas iiyak n cya tas ung arms nya nakataas parang penguin

Para s kin hindi na sabay sabay ang development ng mga babies... U ng iba nauuna gumawa ng gnito... Ung iba na dedelay. Wait mo lang mommy c baby ma gagawa nya, rin yan. Bka po nag ta timing lng sya 😍

VIP Member

Iba iba development ng baby sis okay lang yan, pamangkin ko nga 11 months tumayo at nag gabay sa pag lakad tas 1 yo sya nag start dumapa at gumapang. Hehehe

5y ago

Un sis si baby ko mas gusto nya lagi nakatayo ayaw nga iniuupo ko cya tayo lang tas jump jump

Try niyo po ipahiga siya on her side lagi tapos pag makita mo may signs na gusto niya magflip over, gently push her para matulungan siya.

Super Mum

Mommy wag po masyadong kargahin para mapractice nya yung pagdapa nya.

5y ago

Yes na try ko na d cya buhatin kaso masama na iniiyak .. ayaw ngs gamitin hands nya pang push up Ung iyak nya n parang nasasaktan cya pero hndi nmn kasi ung d nmn ganun katigas ng hinihigaan nya Carper tas my latag pa n comforter

VIP Member

Sanayin mo sya mommy sa tummy time

Ang cute cute naman 😍😍