38 weeks and 5 days

Yun na nga, 11pm panay pagsakit ng puson ko na parang natatae. 4am pumunta na kami sa lying in kung saan ako manganganak sabi ng OB ko 1cm palang daw kaya pinauwi na muna nya ako, binigyan nya ko pampalambot ng cervix. Hirap ako makatulog, 8am nagising nako at naglakad lakad hanggang ngayon kasi sobra yung sakit ng tyan ko na parang nireregla ako tapos natatae pero hindi. Posible po ba na manganak nako ngayong araw din? Humihinto naman yung pananakit pero bumabalik kaagad.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yes sis, naglalabor kana sis.. Ung feeling na masakit na puson mo na para kang rereglahin tapos sakit ng balakang mo.. 1 to 2 days pwede kana manganakad.. Ilakad lakad mo na para hindi kana mahirap maglabor at bumuka na cervix mo . Goodluck Sis.. I pray for you.