YAYA headache
Yaya ng 2 kids ko ay sobrang paking. Everytime I call her, it took me 3-4 times to call her name bago siya lumapit kasi lagi siya wala sa kwarto. Kapag umiiyak ang newborn ko, hindi niya pinupuntahan. I dunno kung hindi nya naririnig o nagbibingibingihan lang kasi kapag umiiyak anak niyang 3yrs old, konting iyak pa lang, pinupuntahan nya na agad. I have a scenario, yesterday iniwan ko sakanya baby kong 4weeks old dahil nagattend ako ng graduation ng panganay ko. I texted her all the things she need to accomplish the whole day. Then pag-uwi namin, hindi niya nagwa ung half of what i said. iyak daw kasi ng iyak c baby. i asked her kung nagtummy time at i love you massage ba sya, and she said na hindi daw. imagine, nasa list yon na pinagbilin ko sakanya. so minassage ko si baby paguwi ko, ayun nakatulog. naginhawahan. Pano ko paaalisin ang yaya nila in a nice way? ayoko kasi magsungit ng sobra sobra. minsan kasi napagsasabihan ko na sa gawaing bahay, tulad ng tinitiklop nya mga damit na nakabaliktad, so inuulit ko ung ginagawa nya. ung mga undies, may pattern ng pagtupi yet hindi nya ginagawa so inuulit ko din. and one more worst thing, sa floor sya nagtitiklop ng damit. Eventhough sinabi nyang nilinis nya, it's still not a good idea especially newborn clothes mga tinitiklop niya. pinagaabihan ko na sya but still doing so. Ano ba gagawin ko? kasakit sa ulo ng yaya na nakuha ko.
Career woman|Momshie of 2|Solo Parent|Grateful