Anong valid reason para hiwalayan si mr?
Working mom ako may 2 months na baby. Ako lahat nagbabayad ng bills bumibili ng food at ng pricey na gatas ni baby. Pero hindi lang naman ito ang isyu. Napapagod nako at napupuno sa asawa ko. Gusto kong magpahinga sa magdamagan at maghapong puyat pero hindi ko magawa kasi gusto niyang matulog kahit na anong oras na sia nagising. 9pm to 12mn duty nia kay baby kung kelan tulog si baby. Pag nakaduty sia minsan nakakatulugan nia si baby. The rest of the day ako na kung kelan madalas iritable si baby at gising. Pagduty ko either matutulog sia o maglalaro ML/online games. Nakakastress mga mhie. Gayunpaman nakukuha ko pa siyang ipaghanda at ipaghain ng breakfast or lunch in bed dahil sumasakit ulo nia. Masyado yatang nababy. Pabalik nako sa work nian at hindi ko pa sure kung kaya niyang alagaan si baby. :( Wala din kami choice kasi kami lang sa bahay at mas stable ang job ko.