37 Replies
5 mos ako noong napahilot ako sa 1st baby ko, namatay dahil sa cord coil. Ngayon nagsisi ako na sana hnd ako naniwala sa hilot hilot sana may baby boy na ako. (hnd ko pa pala alam ang app na ito kaya wala akong idea or wala akong mapagtanungan). Nasa sayo yan momsh, alam ko na may hinihilot na wala namang nagyayari pero iba iba ang buntis, iba iba ang bata sa loob. Hnd mo alam kung mahaba o maiikli ang umibilical cord ni baby, hnd mo alam kung nasaan nakapwesto cord nya. Hnd ko din alam kung may epekto yung paghilot sakin pero isa yun sa pinagsisihan ko. Trusted din yung manghihilot na yun kc sya ang manghihilot ng buntis dito.
Sis hindi po advisable sa buntis ang nagpapa hilot. Nor masahe. Or mga spa treatments. Ako po tatlo na anak ko, and buntis ako ngayon. Yung tatlo kong baby sa bahay lang ako nanganak. Kaya mas trusted ako sa hilot. Pero never po ko inadvised na mag pa hilot while pregnant. Yung magpataas ng matres yes po. Kaso yung magpahilot. Wag mommy. Lalo may history ka pala ng miscarriage.
Trust your OB po. Trust the process din, iikot si baby pag time na.. Kung sakali naman na talagang Hindi naka ikot, mas okay na cguro ma cs keysa magbakasakali sa hilot mamsh. I know malaki tiwala mo sa naghilot sayo, kaso manual manipulation po ng baby Ang paghihilot while pregnant, mahirap mangapa Lalo at nasa loob sya.. better be sure po
6 mos ka palang naman, iikot naman tlaga sa tamang posisyon ang baby. Di mo need mag pa hilot, ikaw din lalo may history ka miscarriage baka mag sisi ka. Madaming risk pag nag pa hilot ang buntis, placenta baka sumabog, mag bleed ka. Sundin mo nlng ob mo, kaya ka nga nag pa doctor e tapos ka susunod.
Thanks.. Ung isa kcng patient nung manghihilot n kakilala ko rn.. Nahilot sya nung 3 months. D nya alam n preg SYa. Kya nging halata c baby nya. pag ka 6months nya. Ibinalik nya, then s 8months pra maayos dw ung posisyon.. Gusto nila magpaganun dn ako. . Naiipit lng ako kung cnu susundin ko.
Nung 4months na tummy ko nagpahilot ako. Sobrang sising sisu kasi after ng spotting ako. Hindi na ako bumalik. May history din ako ng miscarriage. Buti nalang din na agapan ng pampakapit, peru ni hindi ko sinasabi kay OB na nagpahilot ako kasi bawal baka magka cord coil si baby.
Nasayo mommy kung papahilot ka. Sabi ng OB ko, me risks na kasama ang hilot like amniotic sac accident or macord coil si baby. Me mga nagpapahilot naman talaga pero syempre me risks yun. Si baby ko breech sya nun 5months ako pero nakaposition na sya ngayon. Hindi ako nagpahilot. :)
Di adviseable magpahilot or magpataas kapag buntis kana. Iba ang may baby nasa loob kaysa nagpapataas lang ng matres. Baka mapano pa si baby mo. Ako din nakunan at nagpahilot gumamit din ng fern D. Pero walang sinabe sakin manghihilot na kailangan hilutin kapag buntis na.
Hi mommy iikot pa yan si baby 22 weeks palang naman e. Ako nga 29 weeks ako naka breech pa rin si baby tapos last ultrasound ko 32 weeks nakaposisyon na siya lumabas si baby ng 34 weeks😁 Kausapin mo lagi si baby ganun kasi qng ginawa ko.
Second pregnancy ko na to at never ako nagpahilot. Masyado pa maaga momsh iikot pa si baby for sure. OB mo ndn mismo nagsabi na di sila nagaadvice magpahilot so follow mo na lang po un kesa magrisk kpa baka mapano pa kayo ni baby