428 Replies
Yung pagbili ko ng taho, sakto last na pala yung nauna sakin☹️ naubusan ako. Iyak ako ng iyak sa boyfriend ko🤣😂
Showtime habang nagpapatawa si Vice Ganda. Iyak ako ng iyak, 3 days straight pero hindi ko alam na buntis na pala ako nun hahahaha
yung gusto ko ng inihaw n hotdog , then wla kme mkita ni hubby , umiyak ako ng umiyak kya naghanap tlaga c hubby ng hotdog 😅😅
Yung humagulgol talaga ko dahil sa Korean drama.. yes naluluha ako sa mga sad scenes pero ngaun feeling ko talaga ako ung bida haha
Yung ayaw akong papasukin ng asawa ko sa banyo habang naliligo sya , hahaha feeling ko isang taon n syang nawala Kya nag iiyak ako
Napanuod ko lang yung coronation night ni pia last 2015 sa youtube tapos naiyak ako. Hahaha that.was 3 days ago haha 😂😂😂
Nung bwisit na bwisit ako sa ASAWA ko 🤣 ayoko siyang Makita , maamoy pero kapag umaalis siya naiiyak ako 😂✌️
Yung hindi ko alam kung anu gusto ko kainin sobra talaga ang iyak ko nun😂. Buti na lang sobrang understanding ng husband ko.
Yung nakita kung sumasayaw ang blackpink..sa youtube ko lang pinanuod pero ewan ko bat ako naiiyak nong sumasayaw sila..hahaha
Yung nagvi-videoke mama ko. Eh ang tinis ng boses nya. Napasigaw ako "ma tama na parang awa mo na" sabay hagulgul na iyak 😂