Postpartum Depression
Hi po. FTM here @ 5 weeks PPD. Nadeliver si baby via CS per advise ni OB. Since nanganak ako, nakakaramdam na ko ng sobrang daming anxiety patungkol sa sitwasyon and sa sarili ko. Sobrang love ko ang baby ko pero nahihirapan ako mag-adapt sa sitwasyon. Lagi kong naiisip na hindi ko n talaga maibabalik yung dating ako - working and social. Husband and mom helps pero pag di na nila trip kargahin so baby, lagi nilang binabato yung ako lang ang meron which is gutom or gusto na magdede ni baby, and ang ending, ilang araw na akong pagod and walang tulog. Dumadating ako sa point na minsan iniisip kong mali yung desisyon na magbaby and gusto ko magreset, alam ko naman na walang ganun. Nasstress lang talaga ako. Don't get me wrong, again, sobrang love ko si baby. How do you exactly cope up with PPD? 😔

Hi mommy!I feel you!napagdaanan ko din yan. And frustrating talaga. Kausapin mo ang hubby ang other family members about sa nararamdaman mo until maintindihan nila. Breastpump helps lalo pag need mo ng sleep. Share your burdens. Turuan mo sila mag alaga kay baby, kung papano si baby, ung mga gusto niya or milestones niya para magets din nila and di nila pinapasa sayo lagi pag umiiyak kasi di lang naman gutom ang baby kaya umiiyak and they should help you too dhil nagpapagaling ka pa. What you feel is valid mommy lalo na di pa natagalan ang panganganak, may imbalance padin sa hormones hanggang 2 yrs after manganak. Five weeks is still recovery period lalo sa CS.Magrest ka pag tulog si baby, eat well and magpaaraw for better recovery. Tell you hubby if need mo mag nap kahit konti para makabawi ka ng tulog. After magfeed baka naman pwede si hubby na ang magpaburp then you can use the little time to sleep while nagbabantay ang mister mo kay baby.Importante ka din mommy.Stay strong!
Magbasa pabetter na kausapin mo rin mga kasama mk sa bahay. Makipag salitan sa iyo kasi nakaka drain talaga mag alaga ng bata. Dapat nga pinagpapahinga ka at may umaalalay sa iyo. Pray lang mame, enjoyin si Lo kasi mabilis din lumaki. D mo namamalayan malaki na. One day ma mi miss mo rin yang mga araw na iyan na Akala mo panghabang buhay. Alalahanin sa bawat pagbubuntis may laan Siya na aral at dahilan bakit ka nariyan s sitwasyon na iyan. May dis advantage at advantage. Isipin mo, may mga babaeng gustong gusto ng nasa sitwasyon mo ngayon. At nabigyan ka Niya ng pagkakataon na ganyan. Same as you may pagaalala rin ako para sa future, pero kapag naiisip ko mga anak ko sila ang nagiging lakas ko. Palakas ka Mame at pakatatag ka
Magbasa pami need mo labanan, at maging positive, need mo kausapin din husband mo sa situation na need mo lage ng tulong, ako ngtry ako mg exclusive pumping for my baby pra naiiwan ko sa parents ko ang baby ko kpg aalis ako dati mix feeding siya formula and breastfeed. ngaun fully breastfeed na anak ko naggwa ko kailangan gawin kasi nka ready na mga milk nya sa ref at may freshly pump din milk, need mo mg adjust working mom din ako ng invest ako sa mga hospital grade pump and bottle pra sa baby ko, 3months na si baby ko
Magbasa pababy blues yan mie, hindi yan PPD. Mejo magkamukha lang sila ng symptoms. Pray ka every day, kahit anong oras. Kahit mayat maya magpray ka. Sa first baby ko naexperience ko rin yan. Everytime na papadedein ko si baby, nagppray ako for God to give me strength. Lagi mo lang isipin na everything is temporary. Ienjoy mo lang si Baby and isipin mo lalaki din siya. tsaka na muna ang career and all, makakapghintay un. Nanjan lang sila, pero baby kailangang kailangan ka nya ngaun, baby muna :) Kaya mo yan
Magbasa pabaka baby blues 'yan mi, ftm and via cs din po ko ganyan na ganyan pakiramdam ko nong una parang di ko pa nga matanggap kasi graduating student din ako non, umiiyak nalang din ako ng walang dahilan. Di ko alam pano ko na recover siguro pray lang din ng nang pray. 11 months na LO ko ngayon, stay at home mom gusto mag work pero di ko maiwan-iwan si LO and so far kinakaya pa naman hehe siguro ganyan na rin talaga pag naging nanay na. Kakayanin lahat para kay baby. Laban lang mi!
Magbasa pahi mhie. 25 days postpartum here. via CS din ako. minsan nakakaramdam din ako ng PPD. ang best advise ko lang sayo is kung naiiyak ka iiyak mo lang and kausapin mo din ang husband mo magsabi ka kung ano nararamdaman mo. para naman gumaan gaan pakiramdam mo try mo mag pump para kapag may nagbabantay ay mapa feed din nila yung baby at makabawi ka ng tulog. ganun ginagawa ko so far ok naman
Magbasa pamoms isipin mo ikaw mas keylangan ni baby.sayo ka kakalma at sayo sya nakakaramdam safety kase ilang buwan natin sya dinala.kaya hindi pa sya ready sa ibang katawan o boses sa paligid nya..lage mo isipin din na makakabawi karin ng tulog at makakabawi ka para sa sarili mo sa ngayon sya muna..sending virtual hugss.momshie.💗
Magbasa pahi mi ganyan din ako nung unang months ng baby ko. naka adapt ako 3 months n sya
supporting system
Pray po



