βœ•

48 Replies

Wooden crib, ok yan momsh yan kasi gamit ng baby ko hindi na namin binilhan ng foam kasi katabi ko sya matulog para easy access din pag magpapadede. Ginawa na lang nyang tambayan hehe. Suggest ko din po wooden playpen or baby bed rail. Maganda din yang dalawa momsh, safe dyan si baby kahit gumapang or gumulong pa hehe para dyan kana lang din matulog katabi nya. Sample pic lang po ito hehe πŸ‘‡πŸ»

Bumili kami sa mall nung crib, Akeeva brand. Medyo low budget kasi. Yung wooden mahal na nga tapos wala pa kasama foam, yung sa mall kasi na playpen/crib dami na kasama. Pwede rin sya duyan tas may mosquito net. Portable din at maliit konsumo sa space pag tinupi :) pero pag nakaipon balak namin sa next baby bili naman kami ng wooden crib.

VIP Member

Wooden crib ginamit ko kay baby ko from new born to 7 months po siya kaso po bumili na ako ng crib na may foam dahil sobrang likot na noon ni baby ko sa wooden crib lagi siya nauuntog at yung paa niya minsan nasasabit. Yung crib na may foam pwede niya na rin gawin play pen mas matagal niya magamit po.

Mas matibay po kung wooden crib though mas mahal sya hehe. Kami, play pen lang nabili namin. Mas mura at maliit lang mao occupy na space

Wood crib para pang-matagalan.. Na-try ko na yomg mga branded na nabibili sa malls,nasisira yong ilalim,mas tumagal pa yong wooden..

Super Mum

Wooden crib tlga ung gusto ko mommy pero niregaluhan kasi c baby ng lolo at lola nya ung sa mall na crib..

Wood crib lang po gamet ni baby ko mas ok po sya kahit maihian di mahirap linisin 😊

VIP Member

Ako nabili namin sa mall. Until now maayos pa. Magagamit pa ng 3rd baby ko 😊

VIP Member

Wood crib. May nauuso ngayon na co-sleeping crib. Parang bet ko yun bilhin.

Wood crib mommy para mas lalong tumibay dn bones ni baby pg nakatayo na😊

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles