Wood or tela
Mga mommies ano mas prefer niyo, first time mom po ko di ako makapag decide if wooden crib or yung tela bibilhin ko. Anong pros and cons? Thank you! ❤️#pleasehelp
Hello. Bumili ako ng wood crib, kasi gusto ko ng pangmatagalang gamit. Adjustable to 3 bed height siya, at 7 months nasa 2nd height pa lang siya. Drop Side, usefull nito kasi kung nasa pinakababa na siya hindi kami mahihirapan kuhain siya. Co-sleeper, dahil nga drop side yung isang wall niya, nuong hindi la siya malikot lagi kaming co-sleeper. May wheels yung paa niya at pwede rin maging rocker, medyo mahirap lang gamitin yung rocker kung ia-attach yung wheels dahil need i screw yung wheels. Pero may mga woodcrib na madaling matanggal yung wheels. At may kasama na ring mosquito net, safe na safe si baby sa lamok. Cons ko lang sa wood kapag malikot si baby nauuntog, tapos nilu-lusot niya nuon yung mga paa at kamay pero hindi naman nagkaka injury baby ko atsaka natuto rin siyang alisin sa pagkakalusot ng mga paat kamay niya. Yung crib na tela gusto ko sana bilhin para di mauntog si baby pero hindi ako bumili kasi I feel like hindi siya pang matagalan. Adjustable to 2 heights lang siya. Yung flooring na ginagamit nila for 2nd height is lightweight. Once na lumikot at marunong nang gumapang yung baby, hindi na magagamit yung 2nd height. Yung mga cribs na pinagpilian ko nuon ay, 1. Tyler Crib from Lily and Tucker Studios 2. Jane Cribe from Dream Cradle - ito binili ko, sobrang satisfied na ako sa crib na to, pero masakit sa ulo yung instructions, chinese kasi. 3. Kubbie from Joie
Magbasa paWood mamsh. Mas matibay kesa sa tela isang hibla lang malagas nasisira na agad
wooden nalang mami, kasi kapag tela baka mdaling masira,ibought mine sa fb
🤩😋
ig: millennial_ina | TAP since 2020