Just Random Thoughts
What if your husband cheated on you, yung kind of cheating na sineryoso talaga niya yung lover niya and may nangyayari sa kanila, would you give him another chance? Why or why not? Ps. Wala po ako sa sitwasyon na yan, talagang bigla ko nalang po siya pumasok sa isip ko. Loyal po partner ko samin ng baby namin. ☺?

Wala din ako sa sitwasyon na yan pero if ever that time comes (wag naman sana), I'll let him go. Para sakin, you can never love someone else kung buo ang pagmamahal mo sa isang tao. I grew up in a complete family kaya alam ko na posible na hindi ka titingin sa iba habang kasal ka. Pangalawa, nakakawala ng respeto. Maraming klaseng trauma ang mararanasan ng babae pag nangyari yan. Emotional and psychological trauma. There will be a point na bababa ang tingin sa sarili at lagi mong iisipin na may kulang sayo kaya niya nagawa yun. Hindi ko kakayanin na mabuhay kasama ng tao na nagkocause ng ganung klaseng trauma sakin kaya mas mabuti na maghihiwalay kami simply because I don't deserve it. Mabuti na yung isang bagsakan na sakit instead araw araw kang tinotorture. We can always leave the table when respect is no longer served.
Magbasa pa
Kieffer's mommy