44 Replies
No more chances, sa totoo lang. Iyong mother ko niloko ni papa at ayoko mangyari saakin ang nangyari kay mama. Same din si hubby lumaki siya ng walang tatay dahil nagloko tatay niya. Kaya nangako kami sa isa’t isa na kung sino yung hindi nagloko dun sakanya ang bata. :) Seryoso ako sa ganyang bagay at galit ako sa manloloko so I don’t think may chance pa. 😅
Wala ng chance, i will let him go gustuhin ma nya o hindi. Mahirap na ibalik ang tiwala, sooner or later pag aawayin pa rin yung nagawa kasi di maiiwasan eh. Babalik at babalik sa isip mo yung nangyari. Minsan di sapat yung pagmamahal, lalo na pag wala ng tiwala. Kahit pa pilit mo ibalik at kahit pa sabihin mo na mahal mo pa. Tsaka nakakadiri na din.
Kung para saakin po duon na sya sa bago nya siguro kaya nya nagawa yun dahil may pagkukulang ako bilang asawa nya pero kung mahal nya talaga kahit may pagkukulang ako hindi sya titingin sa iba kaya para saakin duon nalang sya sa bago nya kasi hindi ko masikmura na may nangyari na sa kanila tapos makakasama ko pa asawa ko
Kung may nangyari na di ko ata kakayanin, aalis nalang kami ng bata sakin ang anak ko magpapadestino ako sa malayo sa visayas ni anino ng bata di na nia makikita tapos kakasuhan ko pa sya sa trabaho namin para ma dismissed sya, kung malakas naman katibayan ko pati babae papakulong ko din magsama sila sa kulungan.
All of us deserve 2nd chances pero kasi ganito yan. Binigyan mo ng chance, inulit wala rin.. And both of you also need to ready sa mga bangayan, away at sumbatan na walang katapusan of course my nagawang mali doon pumapasok ang pagiging toxic.. Ang tanong makatiis at makatagal ka pa kaya sa ganun sitwasyon?
Ganyang yung panaginip ko kagabi. Kaya pag gsing ko knina sobrang bigat ng loob ko na feeling ko galit ako sa kanya. Umamin daw syang may naka affair sya sinabi nya sakin dahil daw nakokonsensya sya. Panaginip plang yun ewan ko lang pg totoong ginawa nya baka lahat ng nakalawit sa kanya putol!
If it's just sex and physical attraction baka mapatawad and matanggap ko pa siya ulit BUT ibang usapan na pag emotionally and metally involved na din siya sa girl. Yun yung di ko kayang matanggap. Just imagining that scenario breaks my heart pero isa lang nakikita kong solution if ever.
If I was in the situation, hindi ko na siya papipiliin saming dalawa nung kabit niya. I'll let him be with his mistress, kasi kung talagang mahal niya ako, hindi niya magagawa yun sakin. He will never cheat. Kung magawa niyang mag-cheat, it just means hindi niya ako totoong mahal.
Yung ex ko bago ang husband ko nag cheat sya kahit walang nagyare sa kanila. Nakikipag text at may time na nagdadate lang sila. Iniwan ko agad lol. Sobrang toxic pag ganon...lalo na kapag ginawa sakin ng asawa ko yan. Iwan agad. Ano ba makukuha ko kundi sakit lang sa ulo
Kung saken po mangyari parang mahihirapan na ko tanggapin un.. mahirap pag tiwala na nasira, pagkaganun hayaan ko nlng sya sa babae nya.konsensya naman nya ung ginawa nya na ipagpalit kami ng anak nya sa panandalian kapigayahan.sabi nga ang pagloloko e choice un