39 weeks,pressured

Weekly na check up ko. Naka dalawang check up ako na 1cm parehas wala man lang pinagbago. Yung OB ko may binuka na sa loob ko,sobrang sakit. Sabi nya para daw maglabor na ko. Pag uwi namin ni hubby ng tanghali may spot ng dugo panty ko. Nung gabi may blood na makapal at sticky na discharge na ko. Hanggang kinabukasan may ganun akong discharge. Gusto ng mama ko na pumunta na kami ospital at magpa admit. Ayoko pa. Iniisip ko gastos namin ni hubby. Wala pa ko nararamdaman eh. Tinext ko si ob sabi sakin basta okay galaw ni baby no need to worry. Mag pa admit lang ako kung di magalaw si baby sa loob. Ngayon yung mama ko halos sa isang araw ang daming tanong kung ano na nararamdaman ko. Huhuhu. Gusto ko na din naman manganak. Pano ba? Naglalakad naman kami ni hubby sa umaga at hapon. Nag aakyat baba na ko mg hagdan. Wala padin hilab or what ? FTM po ako. Kaka pressure na. Parang intay na intay na silang lahat. Pinalaklak na nila ko ng buko para daw mabilis ako manganak. What to do po ba?

10 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nagkadischarge ka po kasi na IE ka, which is natural lang. Alam mo momsh eto proven ko to, wag ka mapressure. Wag ka mastress. Si baby lalabas siya pag ready na sya, wag mo siya iforce. Ganyan nangyari sa akin, sa kagustuhan ko manganak pinagod ko maglakad at magexercise ang sarili ko. Yun pala stressed na si baby sa loob, nacord coil at nakapoop na siya sa loob. Kaya ang ending naemergency CS ako.

Magbasa pa
5y ago

Salamat for sharing your experience po. 💞 Iiwasan ko na po ma stress. Hihi. Hayaan ko nalang si mama baka excited lang kasi unang apong lalaki 🤣😅

Kausapin mu c baby mamsh sabhin mu nak kong gusto mu na lumabas labas kana ha😅 ganun din yan sken mamsh 38weeks no signs of labor still close cervix lagi ko knakausap baby ko if ready na sya lumabas magsign lang ng makaready c mommy😅 basta wag pastressed wag papressured mamsh lalabas din yan c baby kausapin mu lang palagi..

Magbasa pa
5y ago

Lalabas din yan mamsh if not this week malay mu nextweek basta wag lang masyado pastressed..

Sis ako dati pressure dn ako se gusto ko na agad manganak.. ginawa ko d ko na masyado inisip, d ako nagpapakstress at ndi ko na pinipressure sarili ko.. 38w 4D pumutok na panubigan ko naECS nga lang ako.. wag mo ipressure sarili mo bagkus magpray ka po lalabas dn c baby

5y ago

Salamat po 💞

honestly po sabi ng ob mismo pag lapit ka na manganak mag do daw kayo ni hubby kasi nakakatulong daw ung semilya ni hubby para madali pag open ng cervix.. mga ob mismo nagsasabi niyan. kung di naman kaya ilakad lakad mo po at mag squat ka pra maglabor ka na

5y ago

un nmn po purpose ng induce momsh, wla k nrrmdaman kht almost due mo na. same ng ngyare sken wla nrrmdaman signs of labor kya ininduce.. relax lng si mami mo lalabas at makikita niya dn si apo😊

38 and 5 days ako nung lumabas si baby. ginawa ko Nag do kami ni hubby sabi ko saknya iputok nya sa loob which is advise skin ng mga ka workmate ko na nurse ayun Kinabukasan lumabas mucus plug ko and jan 21 na nganak nako😂

5y ago

Yes po. Infection po yata pag iba ang color ng discharge. dapat daw brownish or white lang sabi ni Ob.

May nag advice sakin ginagawa niya is coke na malamig then nilagyan ng itlog na hilaw. Paghaluin mo. Di ko pa na try dipa kasi ako nanganganak. Pero siya nasubukan na niya dalwang beses.

5y ago

Raw egg is not advisable. Kindly consult first your OB before taking anything. Don't risk the baby. Take it easy. In the lalabas dn c baby in God's perfect time.

wag po mainip mommy .. kadalasan po pag 1stime mom inaabot yan minsan ng 41 weeks .. ako nung panganay ko 42weeks then ung pangalawa 41 & 3 days .. relax lang po 🙂

5y ago

Hayyy. Hirap lang po kasi yung nanay ko kaka pressure 🤣😭

Kausapin u po bb u..iwasan u ma stressed..labas po Yan c bb pag oras na tlgang binigay n God..

5y ago

Salamat po. 💞

VIP Member

Pa induce kana po mamshie

5y ago

Ganyan po sakin mommy walang kahit anong nararamdaman, puro discharges lng kaya nagdecide si ob na induce nako. Nakakain na ng onting poop si baby. Saktong due date ko lng po non. Better if mag decide kana po, for u and ur baby's safety

Up