A story of a girl

‼️WARNING MAHABA PO ITO‼️ Dito ko nalang ilalabas yung bigat na meron ako sa puso ko. Less judgement kapag hindi kilala ang makabasa e. Thank you and im so sorry. Bata pa lang ako narape na ko. Nagsumbong ako sa magulang ko pero sila mismo hindi naniwala. Why? Kasi kuya ko yung nangrape sakin. Sabi pa sakin ng magulang ko malandi ako. Take note 9 years old lang ako that time. Paano ko magiging malandi? Yung kuya ko 15 years old that time. Pero dahil walang ginawang actions parents ko hinayaan ko pero takot na takot ako sa kuya ko until now. May anak na ko ngayon, 8 months old na yung baby ko. And I am 22 years old. Single mom ako. Bakit ako single mom? Kasi yung tatay ng baby ko sinasabi na ginusto ko yung rape. Yes, tama basa mo. Narape ULIT ako. Minsan iniisip ko nabuhay ba ko para babuyin ng mga walanghiyang lalake? Nabuhay ba ko para dungisan ang pagkababae ko? I know may pagkakamali ako na di ko agad sinabi sa tatay ng baby ko na buntis ako. Kasi break na kami and willing ako maging single mom kasi kahit yung tatay ng baby ko ginagago na ko. Sinabi ko sa kanya na narape ako. Pero alam mo sabi niya? Ginusto ko yung rape. Kasi daw walang nakakulong. Kasi kung nirape daw ang babae dapat daw ipakulong. Tama nga naman siya don pero hindi porket hinayaan na manahimik e walang rape na agad. Nung narape ako nung lalake na yon nagsabi ulit ako sa parents ko pero sarili kong magulang ang sinasabi pokpok ako kaya hindi sila naniniwala. For you to know, hindi ako pokpok. Matino akong babae at alam yan ng mga kaibigan ko at ng mga pinsan ko. Mas gugustuhin kong magutom nalang kesa magbenta ng katawan para lang may pangkain ako. Ayokong magkasakit dahil sa sex. Malaking gastos. Masakit sa ulo. Saya no? Sarili kong magulang ganon magisip. Kaya naging independent ako. Buntis ako yung tatay ng baby ko walang binigay kundi sakit ng ulo at stress. Nangbababae, nakikipaginuman kung san san. For short buhay binata. Tinanggi niya ng madaming beses yung anak namin kaya sabi ko sa sarili ko hahayaan ko na siya. Tanggap ko na single parent na ko. Nanganak ako yung tatay ng baby ko nakita yung picture ng anak ko dahil nagstory ako sa instagram ng picture ng baby ko. Hindi ko matatanggi na kamukhang kamukha niya yung anak namin. Nagchat siya sakin. Sabi niya "ang gwapo ng anak natin" hindi ako nagreply nainis ako sa sinabi niya. Ngayon sasabihin niya na anak natin. After niya itanggi ng madaming beses at tawaging batang anak ng rapist. Masakit sakin yon na tawagin anak ko ng ganon ng sarili niyang tatay. Simula pagkapanganak ng baby ko until now yung tatay ng baby ko sinasabi sakin gagamitin last name niya. Ako ayoko. Wala na kong balak. Kasi wala naman siyang natulong. Sakit pa siya sa ulo. Sa araw araw na ginawa ng Diyos simula noong buntis ako hanggang ngayon wala siyang sinabi kausapin ko man o hindi kundi ginusto ko yung rape. Bayarin akong babae. Masakit yon. Sobra. Iniiyikan ko yon gabi gabi hanggang ngayon. Sarili niyang magulang tinanggi na apo nila yung anak ko. Kaya sabi ko wala na kong aasahan sa kahit na sino. Yung tatay ng baby ko nananakot na kung hindi ko daw ibibigay yung custody ng anak namin sa kanya at di ko ipapagamit last name niya ipapa korte niya nalang daw at ang korte na ang bahala magdesisyon. Lahat daw gagawin niya para mapunta sa kanya yung anak niya kasi wala daw akong kwentang tao. Ang sakit no. Ako pa walang kwenta. Kapag daw hindi niya nakuha custody ng anak namin at hindi nagamit ng anak namin yung last name niya magpapakamatay daw siya. Wala akong alam sa law pero ang alam ko hindi pwede malayo ang anak ko sakin lalo na wala namang tatay na nakapirma sa birth certificate niya at hindi naman ako kinasal sa tatay niya. Now, hinihintay ng tatay ng baby ko matapos yung lockdown at ipapakorte nalang niya lahat lahat. Maoopen din daw sa korte yung rape case ko. Ipopost niya daw sa social media yung rape story ko. I dont know what to do. Wala ng pakelam parents ko sakin. Binubuhay ko ng sarili kong sikap yung anak ko. Hindi ko na kaya sarilihin pa lahat. Deserve ng anak ko yung best na ako at hindi yung miserable na ako. Ayokong mawala anak ko sakin. Siya nalang yung meron ako, hiniling ko sa Diyos yung anak ko. Kawawa lang siya sa tatay niya kung makuha siya ng tatay niya.

24 Replies

Hehe hayaan mo siya n ipost. Pwede mo siya kasuhan regarding dun sa cybercrime.. Pwede mo din ilapit sa VAWC ung case mo Kasi emotionally abused ka.. may sinagot ba siya or sustento man Lang? Kung wla another kaso ulit. Pero Kung may ebedensya ka Ng mga pinag sasasabi Niya Pwede mo Yan kasuhan Ng slander.. 😁 actually siya Ang Pwede mo kasuhan Ng madami. Hehe go girl Alam ko pinatatag k ng pag subok. Laban Lang !! Godbless you.. btw I attached photo n reason para mawala sayo at mapunta sa tatay Ng Bata Ang custody.

VIP Member

Hanga ako sa moral mo sis kahit ang dami sayong nangyari masama at ang bata mupa para magkaanak eh lumaban ka na gawin ang tama, mabuti ang kalooban mo. Sana ay puro swerte namn ang dumating sayo ngayon at andyan na anak mo. Regarding sa case mo, wag ka matakot. Jusko sya pa ang makukulong sa ginagawa nya sya ang takutin mo saka i doubt na gagastos yan para sa lawyer hindi din sya pwede pumunta ng PAO para sa libreng lawyer dahil hindi namn sya biktima dito.

Naiyak aqo and I asked God, "Why?" Naniniwala aqo sis na may pagasa. Pwedeng sisihin natin ngayon si Lord pero may magandang plano Sya sa buhay natin. Hindi Nya ginusto ang nangyari sayo. Ang gusto Nya ay maayos, mapayapa, at may pagasang kinabukasan para sayo at sa baby mo. Come to Him and magtiwala ka na kaya ka Nyang isalba at gawing maayos ang buhay mo. He loves you so much ate... Still crying, magpakatatag ka, kaya yan!!!

Di nya yan makukuha sayo hanggang wala pa isip ang bata, anuman gawin ng lalaki sa huli sayo pa din bagsak ng anak mo kaya wag ka mag alala at wag ka mastress.. Hayaan mo sya, sabihin mo ang laki mong epal sa buhay ko, wala kang kwenta sa una pa lang kaya wala ka karapatan magpakorte, kapal ng hininga mo isama mo na pati angkan mo, di mo makukuha anak ko, di tayo kasal at wala ka hahabulin sa akin..

Sis wag mo sya intindihin sinira kalang ng lalaking yan! Kapal ng mukha nya! Sabihin mo pakamatay na sya... Wag ka maniwala jan tinatakot kalang nyan .. lumaban pakita mong ndi na ka na takot sa kanilang lahat..sis godbless pakatatag ka para sa baby mo

Just be strong girl. Kayanin mo lahat para sa anak mo. Magdasal kalang lagi. Lakihan mo pa yung faith mo kay lord kase lahat ng nangyayare saten ay nakaplano na. Lahat ng promblema may solusyon. Magpakatatag ka po. God is always with us❤️

Matapang kang tao, pakita mo na kaya mo ipaglaban yung tama lalo na ngayon. Kung dati hindi mo nakuha yung hustisya sa pang rarape sayo ngayon sa anak mo ipaglaban mo. Basta mag pray ka lagi kay Lord at hindi ka niya papabayaan.

VIP Member

Grabi ang tapang tapang mo...💪💪💪 Saludo akoa sayo momshie..👩‍✈️👩‍✈️👮‍♀👮‍♀ Wag kang matakot ... Mas malakas ang alas mo kayss kanya... Consult PAO..👩‍💼👩‍💼👨‍💼 God bless us !!

Sis, saludo ako sayo. Also, wag kang kabahan kasi malaki laban mo kung balak nyang dalhin sa korte. Baka mamroblema pa sya sa kelangan nyang harapin dahil palyado yang gusto nyang mangyari. Wag ka matakot, panalo ka sa laban na yan.

Saludo ako sayo, ang tatag mo! Makakayanan mo yan bastat magtiwala ka lang kay Lord. Lapit ka sa PAO para mas matulungan ka nila. You deserve to be happy and blessed! Stay strong and fight lang...

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles