Nakakatampo ba?
Just want to vent. Hindi ko sure if valid ba mainis ako sa mother-in-law ko na super walang pake sa baby ko. Yung iba kasi problem pakialamera MIL nila. Yung sakin naman walang ka care-care sa apo niya. May 3 apos sya from siblings ni husband, yun din mga kasama nya sa bahay kaya understandable na mas close sya dun. Pero i was expecting na ma eexcite din sya makita si baby ko, malaro, maalagaan since bihira kami magkasama. Pero waley. Pagka video call ang pinapansin nya pa yung 3 apo nya na kasama naman nya everyday! Dedma sa baby ko. Even sa mga posts ko, di man lang mag like, pero pag yung post ng sis-in-law ko, hanep panay comments pa. Pag magkakasama naman kami, lalaruin nya saglit then focus na ulit sa other 3 apos niya. Well, kami naman ni husband eh super mag shower mag love kay baby. Yung side ko din. Nag expect lang talaga ako kay MIL. Kasi nung wala pa kami baby ni husband nakikita ko how caring as a Lola she is, akala ko magiging ganun din sya sa baby namin. Hindi pala.