Kumusta ka, mommy?
We want to know more about our community. Sa loob ng isang araw, ano usually ang mga ginagawa mo?
magasikaso kay hubby sa umaga, magasikaso kay baby paligo, maglinis ng bahay, magprepare ng tanghalian, tsaka ko maliligo then papalitan ko na yung lola ko sa pagaalaga sa anak ko. pahinga ko na yon pero parang di parin 😂 kasi ngaalaga ako kay LO makakaidlip sya tsaka ako magbubukas ng TAP APP. pag nagising alaga ulit. pagdating ni hubby ng hapon mga 3:30pm aasikasuhin ko ulit sya. hnggng sa magpprepare na ulit ako ng hapunan kakain kami ng maaga para maaga makaakyat kasi papatulugin ko pa c LO. bago mag 9pm tulog na sya. tsaka ako mghhalfbath then dun ulit ako magbubukas ng TAP APP hnggng 12. minsan di pa makakabukas kasi manonood kami netflix. bawal mag cp haha.
Magbasa papagka gcng almusal after linis nman .. after paligo ng anak na 5yrs old after pahinga nman .. kain lunch higa tulog nuod after ilang hours na gamit ng cp dhl sa online seller ng kung ano ano .. after kain ng dinner linis ulit pra sa pg ayos ng higaan .. after nood after cp ulit hanggang 12 to 1am .. mggcng ng madaling araw cp ulit kc ndi na makatulog ...aantukin ng 6 to 7am maggcng ulit ng 9 to 10am .. everyday na ginagawa ko sa loob ng bhay dhl bawal lumabas ang buntis☺️
Magbasa paHabang nagmo-move on, at kapag nasa trabaho asawa ko, nagbabasa lang ako ng articles sa tAp at nagaabang abang ng panibagong games. Laki ng pasasalamat ko sa app na toh. 💔 Dito ako nangarap na magkababy, dito rin umikot mundo ko nung nabuntis ako. At ngayon, dito ko nililibang sarili ko para makaiwas sa depresyon.
Magbasa pasince on leave po ako sa trabaho at wala rin po ako binabantayan na baby(nawala po baby namin nitonh sept.) more po sa pahinga after ng gawaing bahay..Kapag gusto maglibang, more sa comment sa nanghihingi ng advice dito sa TAP, maglaro ng ML kasama hubby ko, mag self study ng japanese language.. magharutan ng asawa ko..
Magbasa paPag gising., ligpit konte, luto bfast. Then tuloy ang linisan sa bahay. Aftr mag intindi nman ng lunch. Luto luto.. Kapag nakapag lunch na pahinga na. Pagkatapos modules ng mga anak. (need mo sila turuan isang grade4 at kinder) saka palang kmi mapapa hinga saglit ni baby sa tummy. 👑👑👑
nag iisip kung ano ba kakahinatnan ng anak ko. kung may plano pa ba akong pakasalan ng tatay nito. nag iisip kung pano ako makakahanap ng katahimikan. kung hanggang kelan kami makikitira dito sa bahay ng magulang nya kung may balak pa ba sya. hays hahaha 😂
since nag start na ML ko while waiting sa arrival ng baby girl namin, gising ng maaga luto ng breakfast, walking pahinga(surfing) walking(watching) pahinga, linis linis ng bahay at idlip pag inantok 😁 as much as possible gusto ko productive ang araw ko
luto, alaga sa bunso, iguide ang dalawang kuya nya sa module nila at laba...pag tutulog, dapat tulog na muna sila kasi pag hindi pa, akyat sa tyan ko ang bunso tas dadantay din yung 2 habang nanonood🤣
Yong totoo... after reading books, halos sa phone na talaga ako. Resigned from work kasi, mag aabang mag online si Mr at scan scan news, fb, etc. (Waiting for our baby soon on December)
Pagkagising sa umaga cp agad kaharap😆xmpre asikaso sa mga junakis lalo na kpag aral time na Module na kmi at the same time nagtatahi aq, xmpre kain tapos sa hapon tahi ulit😊