Miserable life
Just wana share po,wala kasi ako mkausap,..una sa lahat Merry Christmas po sa inyong lahat...sana po Merry din Xmas ko😭😭..wala kaming maihain kasi sobrang hirap ng buhay,pero ok lng nman sana eh,kaso simula kaninang umaga inaaway ako ng LIP ko,kasi lasing sya,pagkagising plng nya nakipag inuman na sya...umuwi natulog,gumising ng 12,inaway na nman ako...ung mga walang kuwentang bagay...ang lungkot lng kasi sya lng ang meron ako,anak namin natulog na,simula noon d nya naexperience mabilhan ng gift,😭😭😭and sad to say buntis din ako ngaun sa pangalawa namin,kuya nya 5 yrs.old na...d ko kayang umalis kasi wala ako mapuntahan,at wala din po ako work kasi walang ibang mag alaga ng anak namin...ang gusto ko lng sana kahit mahirap ang buhay namin,masaya kami,kaso hindi...tapos tuwing may okasyon ganyan sya sa akin😭😭😭😭

naalala ko nung mga bata kami tinutulugan lang din namin ang noche buena.. sobrang hirap din ng buhay namin noon.. tatay ko lagi din lasing. nakakatikim lang kami ng handa pag may ibigay ang kapit bahay. Pero hanga ako sa nanay ko kasi tinatagan nya talaga para sa amin. sobrang sipag nya at hanga ako sa lakas ng loob nya at pagtyatyaga sa tatay ko. Ngayon malalaki na kami at masasabi kong maaayos na ang buhay. Masaya ako makita na maligaya ang nanay ko sa buhay na meron kami ngayon. Mommy hindi habang panahon ang bagyo.. minsan dadaan o pwede magtagal pero isa lang ang sigurado laging sisikat ang liwanag at laging may pag-asa. Magpakatatag ka para sa mga anak mo at manampalataya sa Diyos na nakikita ang lahat.. hindi maiksi ang kamay nya para hindi ka tulungan at hindi din sya bingi para di madinig ang mga panalangin mo para sa Kanya. Godbless you!
Magbasa pa
