Baby acne or not
Wala po kasing sinabing dapat gawin o cream na binigay yung pedia nya :(
Ganyan din po kay baby ko, lukewarm and cotton lang po ginagawa ko lagi. Everytime na magchange diaper sya, sinasabay ko na ung face nia na punasan ng maligamgam. Ayun gumaling naman po agad. Cetaphil din gamit at cetaphil lotion. Pag sa mukha dinadampian ko lang ng lotion using cotton buds kasi nalalagkitan ako.
Magbasa paGanyan din po anak q... niresetahan sya ng pedia nya ng lotion na desonide desowen... ipinapahid 3x a day... mbilis lng maalis 2 pahid lng mkkita u na ang improvement... may kamahalan lng po ung lotion...sbi ng pedia nia paliguan araw2x c bby... wag dw pabayaan lng kc lalong dadami...
Kakapacheck up ko lang din sa baby ko ganyan na ganyan nasa face niya. Wala din binigay na cream pedia niya. Cethapil gentle cleanser binigay,imassage sa face niya pag naliligo. Kapid namn niya. Pawala na nga. Try mo momshie. Tapos 2x a day mo paliguan,sa umaga at bago matulog sa gabi.
siguro breastfeed sya? wag mopo ibabad ung lampen sa face nya or after nya po dumede d nman maiiwasan may tutulo punasan mopo agad ng wipes for baby pra hnd ma stock ung milk sa face nagncacause ng rash.
Ganyan sa baby girl ko magkabilaang pisnge naawa nga ako. Ang kulit kasi ha😁lik sila ng halik. Kaya tinatakas kuna si baby sakanila🤣🤣 bala ng madamot muna gumaling lang ang face ni baby
Baka po sa sabon na pinanlaba nyo sa damit nya? Ung baby ko kasi nagkaganyan kinabukasan pagkapanganak ko buo katawan nya nag pantal pantal lalo mukha gawa ng pinanlaba ko ariel sa damit nya
Lagyan mo ng gatas mo ang cotton balls moms then pahid mo sa buong face ni baby every morning maalis yan kikinis pa face ni baby mo. Ganon ginawa ko kay baby nung magkaroon cya ng ganyan
Baby ko din dame baby acne, niresetahan sya ng elica cream pero until now d pdn naalis, nag try n dn ako ng cetaphil cleanser d pdn naalis.. Ngayon sudocrem ttry ko sana mawala na :(
Ano pong gamit nyo na baby soap? Pwede nyo po palitan ng mas gentle para hndi naman gnyan ka-dry ang skin nya although normal lang yan dahil nagpapalit na po sya ng skin :)
Magpalit kana po ng pedia, yung anak ko ganyan din paaraw lang daw at paliguan everyday pinalitan ko din sabon nya yung cetaphil ngayon wala na makinis na ulit si lo.