20 weeks (sensitive question)

wala po bang masamang epekto kay baby ang pag ma masterbate? yung partner ko po is nagtatrabaho sa malayo every 2 weeks sya umuuwi. normal lang naman po siguro sating mga babae ang mag sarili rin paminsan minsan di po ba? lalo na sa pagbubuntis ko po ngayon is tumaas po yung sex drive ko. napansin ko lang po kasi after mag masturbate ng nakahiga is tumigas yung tyan ko at parang nakasiksik si baby sa lower stomach ko. ask ko lang if di po ba yun masama? please respect🙏🏻

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ako before nanaginip ako ng mga bastos na panaginip pag gising ko ng uuterine contraction ako e. Pag ganyan iwasan mo muna mag pray ka para mawala yung init na yan. Ako ganun sobrang ingat na ingat ako kaya pag feeling ko nalilibugan ako lagi akong nahinge ng tulong sa Diyos. Madalas kasi akong managinip ng tungkol sa sex ang intense pa naman 😅nung nasa 1st tri ako. Kaya si hubby every night pinag ppray nya kami ni bby. Wala naman na naun.

Magbasa pa