SHARE KO LANG
wala nakong magagawa kung gusto niyang mag buhay binata, kung sa bagay, di naman kasi kami kasal kaya binata pa rin talaga hahahaha kaya ko kahit mawala siya, kung di ko lang iniisip tong anak ko, at iisipin sakanya ng pamilya ko, matagal nakong kumalas sakanya, siya na ang pinaka walang kwentang taong nakilala ko. Mula sa physical abuse na nadanas ko na never kong dinanas sa daddy ko atsa ibang naging past boyfriends ko, hanggang sa verbal abuse na inaabot ko kada may bangayan. Malapit na akong manganak, dinadasal ko nalang na sana hindi ko kailanganin ang tulong mo balang araw, sana kayanin ko kahit di kita kaagapay. Sinira ko pangarap kong makaoag abroad muna sana bago bumuo ng pamilya dahil sayo. Sana nakinig ako sa nanay ko, buti nalang mahal ako ng pamilya ko, kaya kahit wala ka, sila lang sapat na sobra. Eto na ata yung panahon na hinihintay kong matauhan ako sa mga ginawa mo. Di mo deserve maging tatay ng anak ko.