First time Mom pressure

Just wanna let this out, sobrang hirap maging first time mom lalo na pag napapaligiran ka ng well-experienced moms din. Isang pagkakamali mo lang para bang kulang nalang ibaon ka nila sa hukay kasi nagkamali ka. Sinong nanay ang gugustuhin na masaktan o may mangyaring hindi kanais-nais sa mga anak nila? Just a few hours ago, nasabihan ako ng tanga dahil may nagawa akong di ko naman ginusto para sa anak ko. Aksidente. Kung alam kong may mangyayaring ganon edi hindi ko yun gagawin. Wala akong mapagsabihan, walang makakaunawa. Pamilya mo na, nabe-verbal abuse ka pa.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I'm a first time mom too at may mga ganyan ding nakapaligid sa akin. Natuto na nga lang akong hindi pansinin yung mga sinasabi ng mga nagmamagaling na mga tao. Yes mas nauna nilang maexperience tong na eexperience natin pero they should never be little our experience. Iba-iba naman kasi tayo nang pinagdadaanan. Hayaan mo lang sila, wag mo isapuso mga sinasabi nila. Iiyak mo kapag mabigat na yung nararamdaman mo. Do your best sa pag aalaga ng baby mo, baby mo yan at hindi nila baby kaya wala silang say.

Magbasa pa

pinaka-importante ang support system like your family to guide you and help you. hindi ung ida-down ka pa. kasi sa kanila ka dapat kukuha ng strength and pampakalma if ever na worried ka sa stressful situations. always pray for your mental health and for a good support system. *hugs*