Rant, mahaba to. FUTURE IN-LAWS

Wala na po kase akong mapagsabihan, nakakapuno lang po kase yung pamilya ng boyfriend ko share ko lang. Hindi ako nag sasabi sa family ko kase ayokong masira siya or family niya pero punong puno nako lahat tiniis ko na. So una unplanned ang pregnancy ko, early teenage pregnancy, LDR kami pero nakakauwi siya samin at nakakauwi ako sa kanila di naman na ko ganon ka bata Im 18 and he is 21. At dahil wala siya akong mag isa umamin sa parents ko tinanggap ng magulang ko, nag adjust pa magulang ko dahil nag request siya na after graduation niya sasabihin sa parents niya pagbubuntis ko and malaki na baby bump ko non, tas suddenly may nadulas sa mama ni bf na buntis ako kaya nalaman biglaan, nagalit mama niya which is normal at dinibdib napaka sama ng loob that time 3 months na ata tummy ko or 4months, my family gave her mama enough time para makapag isip isip pero ni minsan hindi nag approach yung ma pride niyang mama sa mga magulang ko, puro away din kami that time kase inom siya ng inom napupuyat ako kakaintay sa kanya o kaya naman di siya nag papaalam, then nag decide family ko na umuwi muna ko sa family ng bf ko para malaman ko kung anong sasabihin don ng parents niya, umuwi kami don then yung bahay nila is may baba at itaas, sa itaas sila lahat natutulog mama niya, papa niya, kuya niya, at yung dalawang bunsong lalake, sa isang kwarto lang, tas sa double deck si bf ko, sa may ibabang bahay may 3rooms at isa lang nagtatao sa bahay lolo niya, may available na 2 rooms sa baba, okay naman pakitungo sakin kaya lang dun kami natutulog sa taas ng double deck which is wala pang hagdan, kung may isip ba naman sila bat dun nila ko pinatutulog? After almost 2weeks na akyat baba sa double deck at hagdan muntik mag open cervix ko and bumama ng sobra si baby, then may time pa na yung 16yrs old na kapatid niya yugyog ng yugyog ng double deck kaya natatagtag kami ni baby para kaming nasa UV, tas nag MML ng sobrang lakas at ang lakas din ng boses na nakikipag ML sa phone kahit madaling araw na, then yung papa niya naninigarilyo sa loob ng bahay, tas late bumabangon bf ko everytime kase puyat kaya di kami palagi nakakakain at nakakatulog on time, tas eto pa nakakainis, tumawag mama ko kinamusta ko at family ng bf ko, then nakipag usap sa mama ng bf ko, ang bungad ng mama ng bf ko "nakaka moved on naman na" wow lang kase parents ko dapat ang nag momove on sa nangyare tas di naman siya nag approach kahit kelan sa parents ko, and kami din lahat ng gastos ko sa pag bubuntis ko bf ko may trabaho nag aabot naman monthly kahit 3k pang maintain ng vitamins pero overall papa ko ang gumagastos samin, then mama niya pa di maka move on? Eh ako nga binuntis niya nag iisang anak lang ako, umuwi ako dun ng buntis ako di pa alam ng mga lola at tita niya na buntis ako di nila masabi sabi, then eto pa, mahaba talaga to, yung mama niya chineck yung list ng mga gamit na bibilin namin, ayaw kami pabilin ng kung ano ano, may isip naman ako kaya nanuod ako ng mga vlogs kung alin lang kaylangan at nag sesearch naman ako ng mga dapat gawin, so ayon nga syempre first time mom excited ka mamili ng gamit lalo ng ng good qualities feeding bottles kase dun mo ilalagay milk ni baby eh pinaka food niya for the 1st few months up to ilang years, so mitikulosa ako, syempre ako maselan ako sa sarili ko pano pa sa anak ko? Diba? Newborn yun eh syempre and bottles sisiguraduhin mong BPA free at Anti Colic, so may pambili naman syempre nag settle ako ng magandang investment sa bottles yung best quality comotomo at avent may pambili naman kase nag aabot naman papa ko, then nakakastress kase ayaw niya kami pabilin ng feeding bottles ang gusto niya gamitin namin yung bottles na ginamit na props sa games sa reunion na ala namang brand, pinag lagyan lang daw ng softdrinks yun pwede naman linisin, eh di naman namin alam san nanggaling yon tas may tatlong lumang feeding bottles pa ng barney na puno na ng dents at salahula na tignan kase lumang luma na talaga, gusto niya yun ang ipagamit todo pigil at text siya sakin nung nasa mall na wag na kami bibili ng bottles, jusko, tas yung bf ko sang ayon sa nanay niya, tas may time pa na buntis syempre pala cr madalas mag urinate, alam niya na mag ccr ako after ng asawa niya at ihing ihi nako sinabi ko pa sakanya then inunahan ako sa cr at ang nakakabastos pa naligo ng matagal, pano ko ba pakikisamahan yung ganon? Then gusto niya pag nag laba kami ng damit ng baby ibabad daw muna sa zonrox na color safe? Kase sabi ko lalaban nanamin bibili lang kami ng stain soaker na pang baby, pero kontra nanaman siya, gamitin daw kung ano meron, sus ka sensitive ng balat ng newborn tas izozonrox ko damit? Ano ko? Bobo? Edi baka mag cause pa ng rashes yon edi nahirapan na anak ko napagastos pa lalo tas sino lang gagastos papa ko? Sa sobrang isip na mag tipid di na naisip kalusugan ng bata tsaka sa lahat ng tiniis ko sa kanila di nako babalik dun, tas nag bigay ng mga lumang damit gusto ipagamit ko pati yung panjama na nangungutim na sa anak ko eh hindi naman cotton tsaka salahula na, tas yung bf ko masipag naman mabait naman kaya lang pag uutusan bumili pag nagugutom ako di mapabili dahil mainit samantalang papa ko kahit anong init yan pag gutom ako bibili yan kahit anong oras, tas bf ko sabi ng sabi na ang panget ko na daw, ayaw daw niya ng may kasamang panget pag lalabas ng bahay, ang sakit lang din mag salita tas gutom na gutom kana akala nag iinarte ka lang, naiiyak nalang ako sa lahaf ng tiniis ko para sa kanila, mahal ko lang siya kaya di ako sumusuko sa pakikisama sa kanila pero kung ako nga ganun dinanas ko sa kanila pano pa anak ko? Hindi ko na alam pagod na pagod nako umintindi ako buntis pero ako umiintindi, ala pang ginawa bf ko kundi mag ML umaga, tanghali, gabi, madaling araw, pag tapos kumain at kumilos sa bahay ML. Ayoko na nakakapagod na.

51 Replies

Siguro nasanay ka kase sainyo. Lalo na nag iisa kang anak. I mean baka gusto din nila marealize mo na hindi sila mag aadjust para sayo. Well para skin kase, kausapin mo nlang ang parents ng bf mo na kaharap ang bf mo. Kausapin mo din bf mo na kaharap ang magulang nya. Kung nakikinig sa magulang nya ang bf mo sila ang maggaguide sayo. Di mo ba naisip na baka kaya ayaw sayo ng parents ng bf mo kase my attitude ka saknila. Keep the pride down sis. Kahit sabhin mong my pambili ka, you need to adjust. Ikaw narin nagsabe na lahat galing sa parents mo. Ang problema hindi lahat katulad ng parents mo. Iba iba kase ang tao. Communication lng sis. And about nman sa bottle, baka nman kase hindi mo talaga magamit lalo na pag magbreastfeed ka. Pag new born kase need mong magpabreastfeed. At pagnalaman mo na saka ka nlng bumili ng bottle. Mabilis namang bumili dahil sabe mo nga my pambili naman. At yung mga damit mabilis nadin bumili nan. Konti lng ang bilhin mo muna. Unahin mo muna ang foundation. Necessity, basic needs. Ikaw nadin nagsabe na bata pa kayo. Not matured enough para malaman na hindi lng yan ang pagtitiis na gagawin mo. Actually umpisa palang yan. Try to control ur feelings kase buntis ka emotional ka. And hindi naman dahil buntis ka ee sayo lagi pabor. Kausapin mo mother ng bf mo. Sabhin mo na baka pwedeng sa baba ka matulog dahil buntis ka nga. At advice sayo ng doctor na wag muna umakyat ng hagdan. Simple lang sana kung kakausapin mo sila. Tumulong sa gawaing bahay. Matutong makisama. Wag na maging maarte. At pag dating sa bf mo. Dahil nga di rin nman kayo prepared parehas tyaga tyaga muna, ganyan talaga ang boys. Kausapin mo lng lagi. Gabayan mo, humingi ka ng payo sa magilang nya para makinig sayo. Alam mo baka kaya kadin pinatira dyan ng magulang mo para malaman mo ang tunay na buhay dahil magiging magulang ka narin. Gusto nilang matututo ka. Maghandle ng situation. Baka nga alam nila na naspoiled ka nila kaya ka nila hinahayaan jan. Kalma ka lng. Kase kung iniisip mo tlaga baby mo hindi ka magpapakastress ng dahil jan. Dami mo pang pagdadaanan sis. Kung yan palang nadaing kana. Nakoo. My worst pa jan. Manganganak kapa. Saka isipin mo din kung san ka tlaga makakatipid. Hindi kase budget friendly yung ibang gusto mo. Luho lng tlaga sya. Wag ka sana maoffend 😊

Jusko. Parehong pareho tayo ng sitwasyon. Kaso yung sakin, di ako kinakausap lang ng nanay ng boyfriend ko. Pero paminsan minsan naguusap gaya nalang ng pag kakain na, aalukin mo don lang tatango lang siya o sasagot na mamaya na. Nagmamano pa din. As in ganyan na ganyan. Pero sa mga ibang bagay hinahayaan naman niya ako. Hindi sila bastos. Kaso halos lahat sa magulang ko din ang gastos. Sa mga pangangailangan ko, sa mga pagkain ko. Pero maaasahan din naman yung boyfriend ko, nagsasabi din naman siya sa mama niya kung ano mga gusto o kailangan ko. Kaso kailangan pa sabihin ng papa ko bawat gagawin niya. Walang kusa. Ni minsan hindi ako kinamusta ng mama niya sa pagbubuntis ko o matanong ako kung ano mga gusto kong kainin, wala. Dinadaan daanan lang niya ako pag nasa baba ako. Kaya minsan nasa taas nalang ako eh. Ganyan din siya araw araw puro ml ng ml. Ganyan lagi ang routine niya. Puro inom din. Nakakapagod din sa totoo lang. Bumili na sila ng pang new born dahil sinabi ng boyfriend ko, kaso ang dami nilang binili dahil kalalakihan lamg din naman kasi mabilis lumaki ang baby. Kulang pa nga eh, ng mga medyas sa kamay at paa pati sumbrero. At bumili na din sila ng hygiene ng baby. Yung hindi nila masabi sakin na meron na mga kailangan ng baby? Wala. Kasi nga ayaw din sakin. Minsan nga yung hindi naman dapat magdabog, pero ramdam mong nagdadabog talaga. Masama loob ko sakanila sa totoo lang. Nakikisama ka naman sakanila pero sasabihin pa sayo mismo ng anak na Plastic ka di ka marunong makisama? Yung pinapakita mo naman sakanila, yung nakikisama ka naman din sakanila pero di nila makita yon sayo. Ganyan na ganyan din ako sayo. Kaya nakakasawa na din, di mo lang maiwan dahil may ugalint buryo kasi. Hayy kaya natin to. Mas lakasan natin loob natin para sa babies natin. 💪💪💪

VIP Member

Masyado kapong sensitive Ako nga 9months Na manganganak nga pero hndi pa nabili ng bottle he he Pero sabe mo nga may pambili ka ey 😂 Ung binigay saking damit ni baby binabad ko din muna sa zonrox hndi rin yun cotton pero sobrang appreciated ko Yung Bigay ng mama ng hubby ko 😊 I appreciate little things kasi Naiintindihan ko kung ano lang yung kayang ibigay sakin ni Hubby pati opinion ng mama nya I respect. Kapag kasi may galit ka sa puso mo Lahat ng MALI NILA YUN LANG MAPAPANSIN MO. Hubby ko din ML ng ML dati pala inom din sya Pero hndi ko sya sinukuan paulit ulit kong pinaliwanag sknya ang mga bagay2x. His responsible, lalo Na sa usaping pangangailangan Kasi sabe ko wag nya ko iasa sa parents ko O parents nya Yun Nasa pag uusap yan Ikaw ang mag dadala sa lalaki Yan ang Duty natin ang mag patino ng gagong lalaki haha. Kapag kinausap mo wala padin then give up. Hindi ko din CLOSE mama nya haha kasi ma'pride Hndi kame nag uusap kasi Plastik yun hahaha Pero hndi ko dinibdib sinasabi ko lng sa hubby ko Gnyan mama nya Na istress ako pero dahil nandito kame sa poder nila wala akong magagawa tiis kasi hndi pa kaya ng hubby ko kapag iniisip ng In-laws ko Na Dko inaasikaso anak nya Wow po haha hndi nya ko pinapansin at sinusungitan ako haha pero kht ganon I always find padin ng dahilan Na maintindihan sya 🙂 sa hubby ko nlng binubuntong mga inis ko sa family nya para naman ilayo nya nako dito 🙂 THATS ALL SIS

Sa BF mo ibuntong lahat Awayin mo Lahat sbhin mo Kapag hndi natauhan Ey di Ba'bye 😂

Hirap mag salita lalo hindi naman natin talaga alam din yung side ng parents nung bf mo pero mamsh sa sitwasyon mo umuwi kana lang sainyo muna, ksi kung dun ka tapos sobra silang nakaka dismaya. eh tigilan mo na. Maybe his mom expecting too much dun lang sa anak niya, sguro na disappoint lang ng bahagya. Baka kasi kung sakali dun sila aasa sa anak nila sa tingin ko umuwi kana lang din tutal naman tnggap ka naman ng parents mo. Para ma lessen yung pag iisip mo about sa family ng partner mo. If mahal ka talaga ng tatay ng anak mo sa tingin ko sya mismo ggwa ng way pra maging ok ka sa pamilya niya pero if you don't feel the same way edi ipakta mo na lang na kaya mo without him alam ko nag mahal ka din pero ndi masamang mahalin mo din sarili mo lalo na isipin mo na lang yung anak mo mas makakabuti siguro kung sainyo kana lang muna. May mga gnyan tlgang parents. Pray na lang mamsh. for sure makakaya mo din yan God Bless sa pagiging 1st time mother journey mo if need mo ng kausap im here lang :) ps: ung mother nya tingin ko ung ugali parang sa kalsada lang parang palengkera na walang pinag-aralan mga ganun or maybe wala syang babaeng anak dko din alam nag huhula lang tlga ako pero ayoko ng ugali ng nanay nya kung ako yan may respeto ako kht kabastos bastos ung ugali ng kapwa ko pero mgsasalita na ako lalo na kung gnyan makitungo.

pps: ndi ko din gusto yung ugali ng bf mo na sasabihan ka ng panget no! Beb! Sorry for the word pero nakakainis nakakadown yang gnyan! 😡 di mo deserve yan! Hirap ksi sa ibang lalaki nakapa iresponsable!!!! ang alam lang puro pasarap pero pag sa hirap na dun mo din malalaman tunay na ugali!!!

Umalis ka na lng dyan tutal tanggap nmn ng magulang mo. Sabi mo din naman iisa ka lng na anak. Wag mong sayangin yung buhay mo para lng pakisamahan ang mga taong ayaw makisama dahil ikaw lang din naman ang masisira. Dun ka na lng sa parents mo maaalagaan ka pa ng mabuti pati yung anak mo. Syaka d mo deserve yung ganyan kung ayaw d wag, wag mo na ipilit sarili mo sa kanila dahil sila din naman magsisisi sa huli. Lalo na pag lumabas na baby mo syaka nila maiisip na mali yung tinrato nila sayo. Syaka kahit mahal mo yung bf mo kung ganyan lng din nmn na ML is Life iwan mo na lng sya dahil pag lumabas si baby mo mas mamahalin mo pa yung baby mo kaysa sa bf mo. Wag ka magpakastress sa kanya andyan yung baby mo kahit wala yang bf mo na yan mas mahihigitan ng baby mo ung pagmamahal na nararamdaman mo sa bf mo na ML is life ang gago. Nakakagigil kasi sya napakagago para tratuhin ka ng ganon pagtapos ka buntisin gaganyanin ka. Syaka kung ako sayo sabihin mo yan lahat sa parents mo wag kang matakot na masira sya sa pamilya mo kung ikaw mismo nasisira nya buhay mo.

Haha i feel u sissy.. Pero never sumagi sa isip ko na pmunta dun sa bahay ng jowa ko haha nagkasagutan pa nga kme ng nanay nun. Pero ung bf ko resposable nman sya smin kahit alam nyang my galit ako sa nanay nya at kahit anung pilit nya na mag approach sa nanay nya or pmunta man dun never kung ggawin di nman sa masama ugali ko pero ngaun palang gnun n cla pnu pa kaya. Syka kung di nila tanggap anak ko eh di wag di mo nman kailngan ipilit sarili m sa mga taong gnun at ikaw nman ang magdadala nyan hndi cla. At napaka iresponsable ng bf mo kung gnyan jowa ko iniwan kuna yan magaling lng magpasarap pero di marunong umako ng responsibility haha.. D m kailngan mag tiis jn sa kanila uwi ka sa inyo mas maalagaan kapa un ang best way na nagawa m pra sa anak mo

VIP Member

Naiintindihan namin na nahihirapan ka na sis.. If I am at your situation, kakausapin ko ng seryosohan ang bf ko about sa situation namin.. Possible na sabihin nya, tiisin na lang muna ung situation with his family since wala pa din sya sariling bahay kaya makisama muna sa pamilya nya.. pede din sbhn nya na bumukod kayong dalawa para neither sa family nyo parehas ang makaaffect sa mga decision making nyo.. pero pede din nya iallow na sa family mo muna ikaw since accepted ka naman sa family mo, less stress pa.. nasa sayo sis kung alin ang pipiliin mo, always remember and consider na dapat sa decision na pipiliin mo, un ung magiging best kay baby.. remember, critical ang first trim and all throughout ng pregnancy.. praying for you sis.

VIP Member

Mommy advice ko umuwi kna talaga sa inyo kaysa ano pa mangyari dyan sa bahay ng bf mo. First isipin mo yung third hand smoking ikaw at ang baby mo nyan ang ma apektohan tsaka after mo manganak yung postpartum dep pa. Since father mo na rin mn gumagastos umuwi ka nlg sa inyo at umalis sa stress. Mahal mo bf mo pero mahalin mo rin sarili mo at yung baby. Dapat manindigan yung lalaki sayo if not sorry iiwan ko talaga yan. You can be a good mother to your baby and i know you can raise him/her well with or without your bf kasi nandyan yung family mo to support you. Sorry sa option ko na iwan mo ang bf mo pra sa akin lang kasi if toxic na then let go.

Ang tindi din sis ha, sa kanila lalaki sila pa di maka moved on. Samantalang sakin nung nalaman na buntis ako kahit both working at age 26 kami pinatawag agad parents nya s bahay ahah... Gawin mo lahat ng nakakabuti sa baby mo,bilhin mo lahat ng dapat ikaw ang masusunod. Minsan na din na compare ang baby ko s unang apo ng mama ni bf, bakit daw need bilhan bkit may ganyan ganto yung isa nilang apo di naman nag ganon, ah wala kong pake go pa din bnilan ko ng mga quality products ang anak ko.. May pambili naman.. Saka c bf mo medyo immature pa. Hayaan mo na sila sis ma stress ka lang kainin mo gusto mo bilhin mo yaan mo sila mainis ahha.😀

Giving a chance is okay .. and pakikisama is okay also pero kung ganyan namn pakikisamahan mo if i were you aalis nako jan .. sobrang stress ka sa bahay ng jowa mo baka mapano pa kayo ng baby mo don .. uwi kna lang sis atleast doon sa family mo alaga ka and di mo kailangan makisama .. Ako babae ako as much as possible pipiliin ko talaga sa family ko mismo mag stay kasi alam ko aalagan nila ako compared sa family ng jowa ko kasi diko namn alam ugali ng mga yun ..although kilala kuna man partner ko napaka responsable nya . Kami lagi nya iniisip .. kung mayron namn pambayad ng renta bumukod nalang para wlaa talaga problema both parties

Trending na Tanong