βœ•

Nakakalungkot..

Wala ako malabasan ng sakit or sama ng loob. Siguro may mali ako.. Ganto kasi mga mumsh.. Na admit ako last june 13 due to Hypertension, kasi nag 200/110 ang BP ko and im 7 mos preggy.. To be honest, Naubos ang ipon namin ni Hubby.. Kasi na admit ako sa Private Hospital, 2days lang kami sa Hospital pero 20k na agad nagastos namin... And then eto na nga, wala pa kami nabibili na mga gamit ni baby like newborn clothes, Pero actually nag order na kami sa Online, Dumating ung Package right after ko madischarge sa Hospital, so walang wala na talaga kaming pera kasi worth 2k din ung Inorder namin, So ang ginawa namin Pinacancel nalang muna namin... Which is nakakahiya sa seller kaso wala naman kami magagawa.. So eto na nga, Sinabe ko yun sa mommy ko thru chat na kesyo nag order kami kaso pina cancel kasi naubos pera namin (nasa laguna kasi mom ko, Live in na kami ni hubby) Ang reply ni mommy, "Hala pano ba yan" Tapos nabasa ng Hubby ko yun... Galit na Galit sya sakin, D daw ako nag iisip.. Ang bobo ko daw.. Kaya daw kami nag kakanda hirap hirap kasi ang bobo ko daw di daw ako nag iisip.. Kung nahihirapan raw ako dito edi umuwi nalang ako samin.. then paulit ulit sya Ambobo ko daw pinapahiya ko daw sya sa magulang ko... Nahurt ako kasi pag nagagalit sya lagi nya ako sinasabihan ng Bobo, walang utak ganun.. Syempre buntis ako, Tapos kaka discharge ko lang sa hosp feeling ko pabigat na ako dito kasi super Bed rest ang advice ng doctor sakin tapos ganun ssbhn sakin.. siguro nga na offend sya na sinabe ko pa sa mama ko ung ganon pero do i deserved sabihan ng Bobo, walang utak. Palagi ako nassktan everytime na sinasabihan nya ako ng ganon.. Naiiyak nalang ako.. Pinipigilan ko nalang.. Fathers day pa naman ngayon kaso panira daw ako ng araw... D ko alam, naiiyak nalang ako.. 😞

33 Replies

Grabi namn,oo masakit tlga sabihan k ng ganyan mommy,wla namn ptoblema kong magsasabi tau s mga magulang natin,maiintindhan nmn kau kc kakagaling lang ninyu sa hospital,bkit ang pride namn ng hubby mo,kami nga ng hubby ko kahit budget na namin un s pagpapacheck up ko,pinapagamit ko s mama ng hubby ko kc kaylangan nya ng pera,ang point jan kong cnu nangangailanagan dapat magtulungan nlang ,,kysa nmn sa ibang tao kau magsasabi b?ok lang yan mommy ginawa mo,wla namn masama jan,kaso na miss interpr8 nya lang ng hubby mo,parangniniisip nya n pinahiya mo sya s mama mo dhil ndi nya naibigay ung gusto mo s pnahon ng kagipitan,pero kausapin mo hubby mo ipaintindi mo,kong ayaw nya makinig syempree lumaban ka,wagka paapi s hubby mo,ganyan gngawa ko kpag pinagsabihan ako ng ganyan ng hubby ko,mas maganfa plaban tau mommy,

Unang una hindi mo dapat mafeel na pabigat ka sa hubby mo mommy and hindi nya dapat ipa-feel yun sayo. Buntis ka and parehas nyo ginusto na magka-baby. Dapat alam ni hubby na part ng pagiging soon to be parent/parent ang stress and financial problems. Hindi ka dapat nya sinasabihan ng bobo. Verbal abuse po yun. Dapat maging mas maintindihin pa sayo si hubby lalo na ngayon buntis ka po. Siguro natamaan ang ego nya dahil sinabi mo yung prob nyo sa magulang mo. Di mo naman kasalanan maospital din mommy. Kausapin mo po si hubby na nasasaktan ka kapag sinasabihan ka nya ng ganun. If love ka po nya maiintindihan ka nya and di na nya gagawin ung mga nakakasakit sayo. You deserve na alagaan and mahalin ❀️ Stay strong po and pray lagi mommy kaya mo yan πŸ™πŸ»

TapFluencer

Hmm.. sorry for this ah? But medyo abusive si hubby mo. Maybe yes, stressed din siya with what’s happening and also adjusting but that is never a good way to talk to a woman. Especially the woman carrying your child. Ako kasi palaban ako, I’m not telling you na lumaban, but I think you guys should talk about your issues pag malamig na lahat na kahit anong reason ng misunderstanding niyo, hindi dapat idadaan sa paraan na masasaktan din yung other party. Mine is just an opinion, but clearly, there’s tension building up, if you think you need a time-out, umuwi ka muna sa inyo. You both need to think and calm down din. Para din kay baby. Hope this helps! Be strong! *hugs*

Hi Mommy πŸ˜€πŸ˜€πŸ˜€ don't blame your self since d muna ginusto na ma admit ka sa hospital, don't think to much Kasi it's not good for the baby and you😘😘😘 I Wana hug you para mawala Yong lungkot mo you don't deserve such thing na tawagin Kang Bobo.momsh you need to weigh things out if whats the best for you kasi sa tingin ko iiyak at iiyak ka Lang sa kanya. Contact your parents na dun ka muna sa Kanila for the meantime para sa ikakatahimik mo Kasi I really can feel your sadness. Parehas tayong buntis mommy but I don't even experience that thing ever,anyway this coming August po Yong due date ko. Take care always momsh

Same tayo august ang due mommy...😊 Eto bago naman sya pumasok sa work, nag goodbye kiss naman kasi d ko na sya pinapansin eh.. pero ako gusto ko muna umuwi samin kasi nga super pabigat ako dito, super need bedrest kasi mommy..

Bkit siya magagalit kung sasabhin mo sa magulang . E magulang mo yun at dapat alam ng magulang mo ang problema niyo hnd sa pagpapahiya mo sa kanya ang pagsasabi mo ng totoo sa magulang mo . Lip mo ang bobo mataas ang pride sa sarili . Cguro kung ako niyan nku bahala nlng wlang ama na kilalanin ang anak ko pipilitin kung lumayo keysa nmn magpakahirap sa ganung tao . Hnd nmn sa pag aanu sayo sis nasa sayo parin ang desisyon . Naiinis lng kc ako sa ganung mga lalaki . Hnd nmn lahat pero inis ako sa ganyang pag uugali .

VIP Member

Pray ka lang po mommy .. ayaw lng cgro ng ka live in mo na makita ng side ng pamilya mo na ndi kna nya kayang gastusan dhil nga sa dami nyo ng nagastos nasasaktan ka nasasaktan din sya kaya dapat magkaunawaan kau kausapin mo sya at bawat gawi mo sabhin mo sa knya pra ndi nya maisip na mali ..at magplakas ka po kc need ka ni baby ndi nmn natin need ng mraming gamit ni baby eh makakaraos ka din po tiwala lang lagi lang kumalma at mag dasalπŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»

galit na galit xa kasi napahiya xa sa magulang mo.. wala namn masama kung hihingi ng tulong sa parents, maiintindihan namn na may mga bagay na wala sa plano at hinde napaghandaan kaya sabhin mo sa hubby mo . wag maxado mapride at kung hinde namn talaga nya kaya magprovide for you and baby seek help! . may ipon namn kau kaso nagalaw pera . wala nmn akong nakitang masama kung nabanggit mo un sa parents mo..

Mamsh,hindi mo deserve sabihan ng bobo. Hindi din kinagaling ng asawa mo yun at hindi niya iyon kinatalino. Nagegets ko na nagalit siya kasi sinabi mo sa magulang mo,ng hindi siya inaabisuhan.pero nevertheless,mali ang sabihan ka ng masakit na salita.hopefully marealize ito ng asawa mo. Kasi kahit sino masasaktan sa ginawa niya. Ifocus mo muna kay baby atensyon mo at pilitin wAg mastress.

Wala naman masama mommy kung hihingi ka ng tulong sa magulang mo. Hindi yun dahilan para maliitin nya pagkatao mo, hindi ka naman ibang tao para magsalita sya ng ganyan sayo hindi mo kaylangan magtiis para lang di mo matapakan yung ego nya. Hindi masamang humingi ng tulong lalo na kung di mo naman na talaga kaya. Ipag pasa dyos mo nlng yang LIP mo mamsh na maliwanagan ang utak nya,.

VIP Member

Sakit naman nyan momsh. Haaayy di mo deserve na pag sabihan ka ng bobo at walang utak. Sobra naman yang LP mo. Kausapib nyo po at sabihin nyo nasasaktan kayo sa sinasabi nya lalot buntis kayo masyado tayong maramdamin. Simpleng bagay pinapalaki niya. Mamaya imbes na okay na kau babalik naman ulit yung sakit nyo(knock on wood).

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles