Nakakalungkot..
Wala ako malabasan ng sakit or sama ng loob. Siguro may mali ako.. Ganto kasi mga mumsh.. Na admit ako last june 13 due to Hypertension, kasi nag 200/110 ang BP ko and im 7 mos preggy.. To be honest, Naubos ang ipon namin ni Hubby.. Kasi na admit ako sa Private Hospital, 2days lang kami sa Hospital pero 20k na agad nagastos namin... And then eto na nga, wala pa kami nabibili na mga gamit ni baby like newborn clothes, Pero actually nag order na kami sa Online, Dumating ung Package right after ko madischarge sa Hospital, so walang wala na talaga kaming pera kasi worth 2k din ung Inorder namin, So ang ginawa namin Pinacancel nalang muna namin... Which is nakakahiya sa seller kaso wala naman kami magagawa.. So eto na nga, Sinabe ko yun sa mommy ko thru chat na kesyo nag order kami kaso pina cancel kasi naubos pera namin (nasa laguna kasi mom ko, Live in na kami ni hubby) Ang reply ni mommy, "Hala pano ba yan" Tapos nabasa ng Hubby ko yun... Galit na Galit sya sakin, D daw ako nag iisip.. Ang bobo ko daw.. Kaya daw kami nag kakanda hirap hirap kasi ang bobo ko daw di daw ako nag iisip.. Kung nahihirapan raw ako dito edi umuwi nalang ako samin.. then paulit ulit sya Ambobo ko daw pinapahiya ko daw sya sa magulang ko... Nahurt ako kasi pag nagagalit sya lagi nya ako sinasabihan ng Bobo, walang utak ganun.. Syempre buntis ako, Tapos kaka discharge ko lang sa hosp feeling ko pabigat na ako dito kasi super Bed rest ang advice ng doctor sakin tapos ganun ssbhn sakin.. siguro nga na offend sya na sinabe ko pa sa mama ko ung ganon pero do i deserved sabihan ng Bobo, walang utak. Palagi ako nassktan everytime na sinasabihan nya ako ng ganon.. Naiiyak nalang ako.. Pinipigilan ko nalang.. Fathers day pa naman ngayon kaso panira daw ako ng araw... D ko alam, naiiyak nalang ako.. π